in ,

OMGOMG CuteCute

Silipin Dito Ang Agaw Pansin Na Malaking Pagbabago Ngayon Ni Rita Gaviola aka “Badjao Girl”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Rita ay tinaguriang “The Badjao Girl of Lucena” dahil sa kanyang etniko na pinagmulan. Siya ay isang katutubong Badjao. Nakunan siya ng litrato ng isang litratista noong Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon at naging agaw pansin siya ng publiko dahil sa kanyang natatanging ganda bilang isang katutubo. Nag-viral ang kanyang larawan at binansagan siyang “Badjao Girl” ng mga tao sa social media. Mas lalo siyang nakilala nang maging bahagi siya ng TV show na “Pinoy Big Brother 7” Teen Edition.

Source: Rita Gaviola

Kaya ngayon patuloy ang kanyang pag-update ng kanyang buhay sa social media upang mas lalo siyang masubaybayan ng kanyang mga tagahanga. Sa kanyang pinakabagong larawan na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account, makikita na mas lalo siyang gumaganda at nagiging mature. Kaya maraming mga netizens ang namangha sa kanyang unti-unting pagbabago. Tila si “Badjao Girl” ay namumulaklak na at nagiging isang magandang dilag.

Source: Rita Gaviola

Kitang-kita naman sa kanyang mga post na malaki na ang kanyang ipinagbago, mula sa pagiging isang simpleng dalagang katutubo na naging housemate ni kuya sa 7th edition ng “Pinoy Big Brother” hanggang sa kanyang pagiging isang magandang binibini. Mapapansin sa kanyang mga larawan ang kanyang kagandahan pati na rin ang hubog ng kanyang katawan na tila malayo na sa dating simpleng dalagang katutubo lamang. Umuusbong na rin ngayon ang kanyang career, dahil sa kanyang mga natatanggap na mga endorsement. Sa kanyang photoshoot mapapansin ang kanyang kaakit-akit na kagandahan.

Source: Rita Gaviola

Unti-unti na ring naaabot ni Rita ang kanyang mga pangarap sa buhay. Dahil sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz naibahagi niya ang kanyang talento sa pag-arte pati na rin ang kanyang galing sa pagmomodelo. Kaya ang kanyang mga tagasuporta ay labis pa rin na humahanga sa kanyang pagiging very down to earth na tao pati na rin ang pagmamahal nito sa kanyang pamilya. Narito ang mga positibong komento sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

Source: Rita Gaviola

“Sobrang pretty!”
“Ibang-iba na siya. Parang nag-mature na tingnan and she is more beautiful now.”
“Patunay na lahat pwedeng magbago… Inside and out.”
“Gandang natural. May make up man o wala. Pero mas gumanda pag may make up na.”

Source: Rita Gaviola


“Nakakabilib ka, Rita! Because you’re humble and mapagmahal ka sa pamilya mo. Sana wag kang mag bago. Stay humble and more projects to come!”
“Nice to see you improve, Rita. Keep it up!
“Hi, Rita! You are so beautiful. Gawa ka vlog. Marami manunuod sayo.”

Source : Rita Gaviola

Isa si Rita sa mga kabataan na pumapasok sa showbiz ngayon na ang tanging pangarap lamang ay maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Kaya naman isang inspirasyon rin ang kanyang kwento kung paano niya naabot ang kanyang pangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Zoren Legaspi, Matapos Sumabak Sa Bigating Training Isa Ng Ganap Na Miyembro Ng Highway Patrol Group Ngayon

Mainspire sa Isang Isaw at Fishball Vendor Na Kumikita Ng 60k Sa Isang Buwan