in

LoveLove CuteCute CryCry OMGOMG AngryAngry

Isang Nakakaantig Ng Puso Ang Larawan Ng Amang Nagtatrabaho Bilang Lineman Ay Nagsuot Ng Pakpak Na Bigay Ng Kanyang Anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi masusukat ang relasyong ng ama sa anak, bilang isang haligi ng tahanan kahit gaano man kahirap at ka delikado ang trabaho ipinagpapatuloy parin nila ito para may maipangbigay lang sa mga gastusin ng pamilya. Iniisip nila ang kapakanan at kinabukasan ng kanilang mga anak. Ang ama ang nagsisilbing lakas at sandalan ng pamilya sa tuwing may pinagdadaanang problema.

Ang kwento naman ng amang nagsuot ng pakpak na binigay ng kanyang anak habang nagtatrabaho bilang Lineman ay talagang kinatuwa ng marami ng ipost ito sa social media ni Keith Anderson. Sa post niya makikita ang lalaking umaakyat sa poste na may suot-suot na pakpak na tulad ng sa mga bata. Naantig ang mga nakakita sa larawang iyon dahil ipinakita ng ama ang pagmamahal niya sa kanyang anak sa pamamagitan ng pagsuot ng binigay nitong pakpak at hindi niya ito ikinahiya.

Nalaman ang kwento sa likod ng larawang iyon dahil sa caption ng nag post, ito ang naging pahayag niya “His young daughter found out what he did for living , so she made him wings so he would be safe. And a good dad will wear his daughter’s wings.”

Naisip siguro ng bata na delikado ang trabahong pag akyat sa poste ng kanyang ama kaya naisip niya gawan ito ng pakpak para sa kaligtasang ito. Kung iisipin nakakaaliw at nakakatuwa ang bata sa kanyang ideya. At talagang nakakaproud ang ama niya dahil hindi ito nahiyang suotin kahit maraming nakakakita.

Sa simpleng pangyayaring iyon ay talagang nakakaantig ng damdamin dahil sa pagmamahal ng anak sa ama at ganun din ang ama sa kanyang anak. Nawa’y maging isa itong inspirasyon sa mga ama at anak na kahit sa simpleng bagay ay may malalim na kahulugan na nagpapakita ng pagmamahal at pag-iingat. Sana maappreciate natin ang gawa ng ating mga anak kahit maliit na bagay dahil para sa kanila isa itong paraan ng pagsabing mahal nila kayo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Babae Ang Balak Makipaghiwalay Sa Kanyang Asawa Dahil Sa Pagiging “Too Perfect” Nito Sa Kanya Dahil Never Itong Nakipag-away Sa Kanya

Zoren Legaspi, Matapos Sumabak Sa Bigating Training Isa Ng Ganap Na Miyembro Ng Highway Patrol Group Ngayon