in ,

Isang Babae Ang Balak Makipaghiwalay Sa Kanyang Asawa Dahil Sa Pagiging “Too Perfect” Nito Sa Kanya Dahil Never Itong Nakipag-away Sa Kanya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pag-aasawa ay hindi kaning mainit na kapag napaso ka ay pwedeng iluwa basta-basta. Minsan hindi naiiwasan ang pag-aaway ng mag-asawa, ngunit ito ay inaayos nang bukal sa kalooban. Sabi nga ng iba, hindi nakukumpleto ang buhay ng isang mag-asawa kung hindi nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay. Kagaya na lamang ng mag-asawang naging isyu ang paghihiwalay dahil sa pagiging perpekto ng isa sa kanila.

Ito ang kwento ng isang babae na taga Uttah Pradeh, India. Ang babaeng ito ay nag-viral ngayon sa kanilang bansa, dahil sa ginawang pakikipag-hiwalay niya sa kanyang asawa nang dahil lang pagiging perpekto ng kanyang asawa. Ang babaeng ito ay naging madalas ang pagrereklamo sa pagiging “too perfect” ng kanyang asawa. Ayon sa babae itong, nararamdaman daw niyang siya ay nasu-suffocate dahil sa pagiging perpekto ng kanyang asawa.

Source: Google

Kaya ang babaeng ito ay nag-file ng divorce plea sa Sharia Court sa Uttah, sa dahilang ang kanyang asawa ay sobrang bait. Sa pagpapaliwanag ng babae, ang kanyang asawa di-umano ay hindi siya sinisagawan kapag siya ay nagkakamali at pinapatawad din daw siya agad nito sa kabila ng kanyang mga kasalanan. Ibinahagi din niya na ang kanyang asawa ay laging handa na tulungan siya sa mga gawain sa bahay. Kaya naman ang sobrang pagmamahal sa kanya ng kanyang asawa ang nagdulot sa kanya na makaramdam na parang sinasakal niya.

Kaya habang nililitis ang kanyang plea ay napagtanto nila na ang gusto pala ng babaeng ito ay ang asawang nakikipagtalo sa kanya at hindi sumasang-ayon sa lahat ng kanyang sasabihin. Ngunit ang kanyang divorced plea ay hindi sinang-ayunan ng korte dahil sa napaka-babaw na dahilan. Nang tanungin naman ang babae kung mayroon pa ba siyang ibang dahilan ng kanyang pakikipag-hiwalay agad naman itong itanggi ng babae.

Source: Google

Ayon naman sa kanyang asawang lalaki, mahal na mahal naman daw niya ang kanyang asawa at ang tanging gusto niya lang ay maging masaya ang kanyang asawa. Ang mag-asawang ito ay nagsasama pa lamang sa loob ng 18 buwan. Sila ay pinayuhan ng korte na ayusin ang kanilang problema na silang dalawa lamang upang sila ay magkaayos.

Minsan sa mag-aasawa nagkakaroon lamang ng kaayusan kung ito mismo ay aayusin ng bawat isa. Mas magiging masaya ang pagsasama kung iintindihin ng bawat isa ang kanilang nararamdaman. Higit sa lahat ay ugaliin ang laging maging matapat upang malaman ng bawat isa ang kakulangan o ang mga bagay na dapat baguhin ng bawat isa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sa Isang Kasalan Ay Mayroong Nakakaaliw Na Bisita Na Sumunod Sa Motif Na White At Green Dahil Ang Kaniyang Suot Lang Naman Ay “Grab Driver” Uniform

Isang Nakakaantig Ng Puso Ang Larawan Ng Amang Nagtatrabaho Bilang Lineman Ay Nagsuot Ng Pakpak Na Bigay Ng Kanyang Anak