in , ,

Sa Isang Kasalan Ay Mayroong Nakakaaliw Na Bisita Na Sumunod Sa Motif Na White At Green Dahil Ang Kaniyang Suot Lang Naman Ay “Grab Driver” Uniform

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagpapakasal ay isa sa mga pinakamasasayang araw ng mga magkasintahan sa kanilang buhay. Nagkakaroon ito ng iba’t ibang mga preparasyon upang ito ay maging maganda. Isa na rito ang color motif ng kasal, kung saan ang mga décor ay naka-match sa wedding theme na gusto ng mga ikakasal. Ganoon rin ang mga suot ng kanilang mga guest, dapat ay naka-color motif din.

Source: smartlocal

Ganito na lamang ibinahagi sa social media ng isang thai couple, ang kanilang kasal na may white and green color motif. Isang video ang kanilang ibinahagi kung saan may isang silang nakakaaliw na bisita na may kakaibang suot sa mismong reception ng kanilang kasal. Ang lalaking ito ay nag-viral dahil sa kanyang Grab driver na suot na tamang tama sa color motif ng kasal.

Source : piyawatt. s

Kaya naman ang ibang mga guest at ang mismong wedding couple ay tila labis na natuwa sa kanyang naging outfit. Namangha ang bagong kasal dahil nagdala di-umano ito sa kanila ng malaking kaligayahan. Kung kaya naman ang lalaki itong na naging “Grab Driver” ay dumami ang mga followers sa kanyang Instagram dahil sa kanyang nakakaaliw sa kanyang very creative na suot. Makikita rin sa larawan ng mismong post ng lalaking ito sa kanyang Instagram, na may dala rin siyang delivery bag na halos nagpakumpleto sa kanyang outfit.

Source : @piyawatt.s

Maraming mga netizens ang sobrang naaliw sa kanya. Wala namang magkapagsasabing kung siya mismo ay isang Grab driver na may inihatid na delivery sa mismong couple na ikinasal o hindi naman kaya ay isang bisitang nagbihis lang Grab driver uniform upang aliwin lamang ang mga tao.

Ang mga netizens ay labis na humanga at natuwa sa kanya dahil eksakto ang kanyang outfit sa color motif ng kasal na kanyang nadaluhan. Ang bagong kasal naman ay nagpasalamat sa kanya dahil nagbigay siya ng kaligayahan sa mga ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ivana Alawi, Niregaluhan Ang Kaniyang Ina Ng Napakagandang Bahay

Isang Babae Ang Balak Makipaghiwalay Sa Kanyang Asawa Dahil Sa Pagiging “Too Perfect” Nito Sa Kanya Dahil Never Itong Nakipag-away Sa Kanya