in ,

Silipin Dito Ang Mga Naggagandahan At Naglalakihang Mansion ng Pamilyang Pacquiao

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilalang nagmula sa wala ang pamilya ni Manny Pacquiao at talagang isang nakakamanghang masubaybayan ang kanyang pag-angat at pag-asenso dahil sa pagiging kampeon nito sa larangan ng boxing.

Kasabay ng pag-angat nila ang kasikatan, si Manny Pacquiao ay kilala sa larangan ng boxing. Ang kanyang pangalan ay hindi lang sa Pilipinas pinag-uusapan, kundi sa buong mundo. Kasangga ni Manny ang kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao sa lahat ng pagsubok sa buhay. Pinatunayan nila na magsasama sila sa hirap at ginhawa, kaya ngayon nakamit na nila ang karangyaan, mas naging masaya at komportable na ang kanilang pagsasama kasama ang kanilang mga anak.

Dahil sa kasikatan, maraming opportunity ang dumating sa kanilang pamilya, kaya marami silang naipundar na ari-arian, ilan na rito ang mga bahay na nasa Amerika, Manila at sa probinsya kung saan nagmula ang mag-asawang Pacquiao sa General Santos at mga resthouse dito sa Pilipinas.

Isa sa pinakahighlight sa mga ari-arian nito ay ang Mansyon sa kanilang probinsya sa Gensan na talagang kinamanghaan ng mga tao. Ibinahagi ito ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Youtube video ang itsura ng kanilang mansyon.

Source: Jinkee IG
Source: Jinkee IG
Source: Jinkee IG

Mapapansin sa kanyang video na sobrang lawak ang mansyong ito na napapaligiran ng mga puno’t halaman. Sa loob naman ng kanilang bahay makikita ang maraming artworks na talagang hilig ni Jinkee simula pa noon. Sa mga artwork na ito inaalala ni Jinkee ang kanyang nakaraan.

Ilan din sa mga naka display sa kanilang mansyon ay ang kanilang Family pictures at souvenir ni Jinkee na Picture kasama ang kanyang idol na korean kpop na si Ji Chang Wook.

Sa labas naman ng kanilang mansyon makikita ang napakalawak na swimming pool na kalimitang pinagdadausan nila ng mga party at doon din sila madalas mag family bonding. Meron din silang isang bahay na katabi lang din ng kanilang mansyon at ito ay para sa mga bisita. Para naman may malibangan si Manny at ang kaniyang mga anak na lalaki, nagpagawa rin sila ng sariling gym at basketball court.

Source : Jinkee IG
Source : Jinkee IG

Kung makikita’t mapapanuod mo ang maikling video tungkol sa bahay ng pamilya Pacquiao ay talagang napakalawak at ganda nito. At bukod pa rito ay may masarap at sariwang hangin na talagang napaka relaxing.

Talagang nakamit na talaga nila ang ang masaganang buhay na kanilang pinaghirapan at pinagtiyagaan. Ang kwento ng buhay nila ay isang magandang halimbawa para sa mga nangangarap at nagsusumikap. Ang tagumpay na kanilang tinatamo ay dahil sa sipag at tiyaga na sinabayan ng pananalig at dasal.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Babae Pinabilib Ang Mundo Nang Makakolekta Ng Higit 200 Piraso Na Medalya Dahil Sa Kanyang Nakakabilib Na Talino

Silipin Dito Ang Masayang Buhay Ngayon Ni Diana Zubiri Sa Piling Ng Kanyang Asawa At Mga Anak Matapos Magpahinga Sa Showbiz