in

CuteCute LoveLove

Silipin Dito Ang Masayang Buhay Ngayon Ni Diana Zubiri Sa Piling Ng Kanyang Asawa At Mga Anak Matapos Magpahinga Sa Showbiz

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala si Diana Zubiri bilang isa sa mga sexy stars sa showbiz. Bukod sa maganda at sexy isa ring magaling na aktres dahil kinilala siya sa kanyang galing sa pag-arte. Lalo pa’t isa siya sa mga pinakamahusay na karakter sa napakagandang fantaseryeng “Encantadia”.

Source: Diana Zubiri’s IG
Source: Diana Zubiri’s IG

Ngayon ang aktres ay pansamantala munang iniwan ang showbiz pagkatapos niyang magkaroon ng pamilya. Si Diana ngayon ay ikinasal na sa kanyang asawang si Andy Smith. Sila ngayon ay may tatlong anak at naninirahan sa ibang bansa. Ibinahagi ni Diana sa kanyang social media account ang larawan ng kanyang pangatlong anak na si Amira Jade.

Source: Diana Zubiri’s IG
Source: Diana Zubiri’s IG

Talaga ngang napaka-cute ni Baby Amira nagmana ng kagandahan kay Diana. Bukod sa kanyang napakatabang cheeks na masarap pisil-pisilin, agaw pansin din ang light grey eyes ni Baby Amira.

Source: Diana Zubiri’s IG

Mapapansin sa mga mata ni Baby Amira na tila nagbabago ang kulay ng kanyang mata na may orihinal na brown eyes that turns into light grey eyes. Kaya naman si Diana at ang kanyang asawa ay labis din namang nag-aalala sa kanilang anak, kaya kanila itong ipinasuri upang matiyak na ligtas ang eye vision ng kanilang anak.

Source: Diana Zubiri’s IG

Sa isang artikulo ni Mental Floss na pinag-uusapan ang tungkol sa mga sanggol na binabago ang kanilang mga kulay sa mata, tiniyak ng may-akda na ito ay ganap na normal at may kinalaman ito sa melanin. Ayon sa doktor na sumuri kay Baby Amira, walang anumang depekto sa paningin ang kanilang anak at hindi naman ito nahaharap sa kahit anumang posibleng sakit. Maaaring hereditary di-umano ang mata ni Baby Amira na kanyang namana sa grandmother ng kanyang daddy Andi na si Mary Elaine Park Smith.

Source: Diana Zubiri’s IG

Ayon din sa artikulo ng Mental Floss, na pinag-uusapan ang tungkol sa sitwasyon ng anak ni Diana. May mga baby daw talgang nagbabago ang kulay ng mata dahil ito ay may kinalaman sa melanin ng ating mga mata. Ito ay normal na nangyayari sa mga baby lalo na’t may lahi ang mga ito. Kaya walang dapat ipangamba ang aktres sa tunay na kalagayan ng kanyang anak.

Source: Diana Zubiri’s IG

Kaya ngayon, masayang namumuhay si Diana kasama ang kanyang pamilya sa ibang bansa. Pokus muna ngayon si Diana sa pagiging hands-on mom lalo pa’t maliliit pa ang kanyang mga anak. Hindi naman nawawala ang kanyang pagiging hot mommy dahil namain-maintain pa rin niya ang kanyang kaseksihan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Mga Naggagandahan At Naglalakihang Mansion ng Pamilyang Pacquiao

Ivana Alawi, Niregaluhan Ang Kaniyang Ina Ng Napakagandang Bahay