in ,

Isang Lalaki Naglakad Pauwi Dahil Nawala Ang Kaniyang Motorbike At Nang Kanyang Pinaalam Sa Kinauukulan Napagtanto Niyang Naiwanan Niya Lang Pala Ito Sa 7/11

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Madalas tayong nagiging makakalimutin sa mga bagay-bagay kaya madalas rin tayong makaiwan ng mga bagay. Bata man o matanda ay dumadaan sa pagiging makakalimutin. Kagaya na lamang ng isang thai na lalaking nakapag-report sa mga kinauukulan dahil sa nawawala niyang di-umano na motorbike na naging dahilan upang magakad siya pauwi sa kanilang bahay.

Ang lalaking ito ay si Thanachai na taga Chiang Mai Thailand, siya ay dali-daling nagreport sa police station dahil sa kanyang nawawala di-umano na Honda motorcycle noong nakaraang linggo lamang. Ayon kay Thanachai, ito ay nawala sa parking area mismo ng kanyang apartment. Dahil sa takot na inakala niyang nanakaw ang kanyang motor ay agad niya itong inireport sa pulisya.

Source 📷 Chiang Mai News

Kaya naman ang police station sa kanilang lugar ay agad ring nag-sweep-check ng mga security camera na malapit sa perimeter ng kanyang apartment upang makita ang buong pangyayari na may kahina-hinala sa pagkakawala di-umano nito.

Ngunit sa kanilang pagsisiyasat, napansin nila sa CCTV sa may 7-11 convenience store na malapit mismo sa apartment na tinutuluyan ni Thanachai ay naiwan pala niya mismo ang kanyang motor. Laking gulat ng lahat na si Thanachai pala ay pumunta ng convenience store at iniwan ang kanyang motor sa labas nito at sa kanyang paglabas ay tila nakalimutan niyang may dala pala siyang motor.

Source: Chiang Mai News

Kaya naman sa kanyang paglabas ng convenience store siya ay naglakad pauwi ng kanyang apartment. Sa kanyang pag-uwi doon niya napansin na nawawala di-umano ang kanyang motor.

Source: Chiang Mai News

Labis na nagpasalamat si Thanachai sa police station na tumulong sa kanya na mahanap ang kanyang motor na kanya lang palang naiwan at hindi nawawala. Sa edad na 21 na taong gulang, tila naging maaga ang pagiging makakalimutin nito at kahit sinumang tao ay dumaranas sa ganitong sitwasyon. Nawa’y magsilbing aral ito sa lahat na dapat lagi tayong maging aware sa lahat ng ating ikinikilos.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ina ni Daniel Padilla na Si Momshie Karla Estrada, Masayang-Masaya Ngayon Sa Kanyang Lovelife

Isang Babae Pinabilib Ang Mundo Nang Makakolekta Ng Higit 200 Piraso Na Medalya Dahil Sa Kanyang Nakakabilib Na Talino