in

LoveLove OMGOMG CuteCute CryCry LOLLOL AngryAngry WTFWTF

Isang Babae Pinabilib Ang Mundo Nang Makakolekta Ng Higit 200 Piraso Na Medalya Dahil Sa Kanyang Nakakabilib Na Talino

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi rin biro ang pinagdadaanan ng isang estudyante lalo na’t kailangan nitong paghusayan ang kanyang pag-aaral upang mabigyan ng medalya. Kaya naman nang maibalita ang dami ng medalya na natamo ni April Christelle T. De Leon ay talagang nakapagbigay inspirasyon ito sa mga kabataan na pagbutihina ng kanilang pag-aaral.

Source: April Christelle T. De Leon

Umabot ng 200 ang bilang ng medalya na nakolekta ni April na isang 15-year old na babae mula Lingayen, Pangasinan. Dahil rito ay nagviral ang kwento ni April sa social media. Marami rin ang na impress lalo nang nilatag na ni April ang kanyang 200 na medalya sa sahig. Maliban sa mga medalya ay mayroon ring mga certificates, trophies at beauty pageant sash. Ang lahat ng ito ay naipon ni April simula ng bata pa lamang siya. Talagang achiever si April at ito ang nagpapatunay sa kanyang mga tagumpay na nakamit sa buhay.

Source: April Christelle T. De Leon

Siya ay nagtop 1 rin mula Grade 1 hanggang Grade 10 at nang makarating ito sa Junior High ay nakamit nito ang highest honors na hindi bababa ng 96 percent, siya ang valedictorian sa kanilang batch. Tunay na kahanga-hanga ang talino ni April Christelle.

Source : April Christelle T. De Leon

Maliban sa pagiging matalino ay sumasali rin umano ang dalaga sa mga beauty pageant at madalas pa itong manalo sa mga ito. Maliban sa cash prize na naiuuwi nito ay mayroon rin siyang mga trophy at medalya na nakadagdag sa kanyang achievements.

Sa ngayon ay plano ni April na mag Senior Highschool sa Chicago. Pagkatapos umano nito ay babalik siya sa bansa upang kumuha ng Medical course na BS Biology sa unibersidad na pinapangarap nito.

Source : April Christelle T. De Leon

Hindi lamang sa beauty pageant at academics lumalaban si April kundi pati rin sa buhay upang makamit ang pinapangarap nito. Kaya naman ay karapatdapat lamang tularan si April Christelle ng mga kabataang Pilipino na pagbutihin ang pagaaral upang makapagbigay ligaya din sa mga magulang.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Lalaki Naglakad Pauwi Dahil Nawala Ang Kaniyang Motorbike At Nang Kanyang Pinaalam Sa Kinauukulan Napagtanto Niyang Naiwanan Niya Lang Pala Ito Sa 7/11

Silipin Dito Ang Mga Naggagandahan At Naglalakihang Mansion ng Pamilyang Pacquiao