in ,

Ina ni Daniel Padilla na Si Momshie Karla Estrada, Masayang-Masaya Ngayon Sa Kanyang Lovelife

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagmamahal ang pinakamasarap na pakiramdam na pwede mong ibigay at maranas, minsan sa pamilya, kaibigan at special someone. Ang pagmamahal ay hindi pinipili kusa itong nararamdam at kalakip ng pagmamahal ang pagsasakripisyo. Ang Pag-ibig ay parang isang sugal pwedeng matalo o manalo.

Tulad ni Momshie Karla Estrada na sa dami ng pag-ibig ang dumaan sa kanya, lahat ay talagang nagsilbing lesson lang sakanya. Sa mga pinagdaanan niya, hindi ito naging rason para isarado niya ang kanyang puso para sa bagong pag ibig.

Source: Karla Estrada IG

Kaya naman nakilala niya ang lalaking magmamahal sa kanya ng lubos. Ngayon masaya si Momshie Karla dahil meron daw bagong nagpapatibok ng kanyang puso at walang iba kundi si Jam Ignacio.

Source: Karla Estrada IG

Sa programang Magandang Buhay, proud na ipinakilala ni Momshie Karla si Jam Ignacio. Parehas na may anak sa una sina Karla at Jam at hindi ito naging issue para sa kanilang dalawa. Si Jam ay 32 years old at nakilala niya bilang isang businessman at accountant. Siya ay nakatira sa Makati at nagtapos sa Far Easten University at St. Joseph College sa Quezon City.

Source: Karla Estrada IG

Para kay Jam walang katumbas ang pagmamahal niya kay Karla, minahal niya si Karla bilang siya at isang normal na babae hindi bilang isang sikat na artista. Noong June 1, 2020 ay ipinagdiwang nila ang kanilang 1st Anniversary at ibinahagi naman ito ni Karla sa kanyang Instagram post. Isa din si Jam sa dahilan kung bakit sinisipag si Karla na magwork-out dahil lagi itong minomotivate ni Jam.

Source: Karla Estrada IG

Kita naman sa pinost nila bago matapos ang taong 2020 na suportado ito ng kani-kanilang anak dahil sa makikita doon ang litrato kong saan nasa Boracay sila kasama ang kanilang mga anak upang salubungin ang taong 2021 at talagang makikitang masaya ang dalawa.

Source : Karla Estrada IG

Isang patunay lang si Momshie Karla na kahit ilang beses kang madapa sa pag ibig wag kang mawawalan ng pag asa dahil may taong nakalaan para sayo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin si Twinkle Chui, Ang Napakagandang Kapatid ni Kim Chui Na Isang Flight Attendant

Isang Lalaki Naglakad Pauwi Dahil Nawala Ang Kaniyang Motorbike At Nang Kanyang Pinaalam Sa Kinauukulan Napagtanto Niyang Naiwanan Niya Lang Pala Ito Sa 7/11