in

OMGOMG LoveLove LOLLOL CuteCute

Kilalanin si Twinkle Chui, Ang Napakagandang Kapatid ni Kim Chui Na Isang Flight Attendant

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala si Kim Chui bilang isa sa mga magaling na aktres ngayon. Isa si Kim sa mga award winning actress sa showbiz ngayon. Bukod sa isa siya sa mga magagandang mukha sa mundo ng entertainment at pelikula, hindi na naging lingid sa kaalaman ng marami na galing si Kim sa prominenteng pamilya sa Cebu.

Si Kim ay pang-apat sa kanilang magkakapatid. Ang hindi lang alam ng marami na may kapatid pa si Kim na may potensiyal na maging artista kagaya niya, dahil sa angking kagandahan nito.

Kaya naman ngayon, ay unti-unti na ring nakilala ang kanyang kapatid na si Wendolyn Chui o mas kilala sa nickname niyang “Twinkle”. Bukod kay Kim Chui na nakapagtapos ng magandang kurso sa kolehiyo ang kanyang kapatid na si Twinkle ay isa palang Flight Attendant sa Philippine Airlines. Dahil sa angking kagandahan nito, hindi naiwasang siya ay na link sa isa sa mga sikat na aktor, ngunit iyon lamang ay maling haka-haka.

Source: Twinkle Chui IG

Si Twinkle ay madalas mag-post sa kanyang social media, lalo na nang kanyang mga seksi photos. Isa sa mga asset ni Twinkle ang ganda ng kanyang pangangatawan dahil isa ito sa pleasing personality niya bilang isang flight attendant. Hindi rin maikakailang magkapatid sila ni Kim dahil magkamukha sila at pareho silang may angking ganda. Ngunit para kay Twinkle, wala siyang interes na pasukin ang mundo showbiz dahil mas gusto niyang mag-pokus sa kanyang pagiging isang flight attendant.

Source: Twinkle Chui IG
Source: Twinkle Chui IG

Tila mapapansin sa mga post ni Twinkle sa kanyang Instagram, na mahilig itong pumunta sa beach at sa mga magagandang tourist destination dito sa Pilipinas. Kaya dumarami ang humahanga sa kanya dahil sa mala-artistahin niyang mukha. Marami ang nagsasabing siya ay may hawig sa mga celebrity actress kagaya nina Solenn Huesaff, Cristine Reyes at Marian Rivera.

Source: Twinkle Chui IG

Ayon pa kay Twinkle, mas nag-eenjoy siya maging isang flight attendant dahil iyon ang matagal na niyang pangarap. Kung sakali mang pasukin niya ang mundo ng showbiz, mas gugustuhin niyang makilala siya sa sarili niyang pangalan hindi lang dahil sa kapatid siya ni Kim Chui.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Factory Worker Madalas Husgahan Dahil sa laging itlog at tuyo ang kanyang ulam ngunit nagbago ang trato sa kanya ng isang iglap

Ina ni Daniel Padilla na Si Momshie Karla Estrada, Masayang-Masaya Ngayon Sa Kanyang Lovelife