in

Silipin Dito Si Andrea Torres Sa Kanyang Bridgerton-Inspired Photoshoot, Pinahanga Ang Mga Netizens

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Natural sa atin na humanga sa mga teleserye at mga palabas na napapanood natin mapa-online streaming o sa telebisyon. Marami kase sa mga palabas na ito ay gumagamit ng setting sa sinaunang panahon na hindi naabutan ng marami sa atin. Tulad na lamang ng sikat na sikat na palabas sa Netflix, ang ‘Bridgertons’.

Sa katunayan ay isa pala sa mga fans ng palabas ang Kapuso actress na si Andrea Torres. Ang naturang palabas ay itinakda sa sinaunang era ng England, ang Regency Era. Ang mga kababaihan ay puno pa ng kolorete, mahahaba na gown, at may headdress na ginagamit na minsan ay bulaklak at ribbon o kaya naman ay sombrero. Ang mga kalalakihan naman ay pormal rin manamit, gamit ang kanilang mga tuxedo.

Para sa pagdiriwang ng International Women’s month ay nagphoto-shoot ang aktres na talaga namang angkop sa mga sinusuot ng mga karakter sa palabas. Mukha talaga siyang ‘belle-of-the-ball’ sa kanyang Regency Era dress.

Ito ay ginanap noong Thursday, ay nagpost ng litrato ang aktres na talaga namang nakakamangha. Kuhang kuha nito ang look sa palabas na para bang debutante din ito katulad ng bida na si Daphne Bridgerton. Ayon kay Andrea ay gustong ipahiwatig ng kanyang photoshoot ay ang lakas at tibay ni Daphne sa palabas lalo na nung sinabi nitong :”You think that just because I am a woman, I am incapable of making my own choices?”

Ayon sa caption nito ay ang lahat ng babae ay maaaring maging hero ng kanilang buhay, “We women, can be the heroine in our own life story because we have and will always have that power (may it be an Empire-waist dress, in a tight corset or just plain pajamas)”

Ayon sa La Belle Fete, swak na swak umano maging modelo si Andrea dahil isa siya sa mga babaeng kayang maghandle ng mga sitwasyon ng may poise. “Andrea’s bold deception of the Bridgerton women relates to taking control of every situation life presents to her – with utmost grace, confidence and sophistication.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Malawak Na Lote Na Sinasabing Proposed Location Site Ng Future Home Ng Magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Bahay, Lupa, Pera at Mamahaling Sasakyan Ang Natanggap Ng Isang 23 years Old Na Lalaki Pagkatapos Magpakasal Sa Isang 38 years Old Na Ginang