in

Naalala Niyo Pa Ba Ang Sikat Noon Na Kontrabida Na Si Joko Diaz Mayroon Na Siyang Magandang Dilag Ngayon Na Namana Ang Kaniyang Kagwapuhan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi naman kaila si Joko Diaz sa mundo ng pelikula lalo pa’t galing siya sa angkan ng mga artista. Isa siya sa mga magagaling na actor ng kanyang henerasyon lalo na pagdating sa mga action role. Maraming mga humanga kay Joko dahil magaling rin itong gumanap bilang kontrabida sa mga teleserye. Kung kaya’t siya talaga ay gumawa ng sarili niyang pangalan sa industriya ng showbiz.

Sa paglipas ng panahon, si Joko ay nagtatag na rin ng sarili niyang pamilya. Masaya silang namumuhay kasama ang kanilang dalawang anak. Ang anak na babae ni Joko na si Ashley, ay nagkakaroon na rin ng interest sa pag-aartista. Kaya bilang ama kanya itong sinusuportahan sa bawat gusto ng kanyang anak lalo pa’t tungkol sa pag-aarte.

Source: Ashley Diaz IG
Source: Ashley Diaz IG

Ayon kay Ashley, ang kanyang daddy ang kanyang naging inspirasyon upang gawin ang pag-aartista. Ibang-iba naman si Joko bilang isang ama sa kanyang dalawang anak, isa itong mapagmahal, maalaga at hands-on daddy. Kaya naman si Ashley at ang kapatid nitong si Pacqui ay napakalapit kay Joko. Madalas magbonding ang mag-ama lalo na pagdating sa iba’t ibang cuisines at ang mga pagkain sa mga restaurant.

Source: Ashley Diaz IG

Nakikitaan na talaga ni Joko si Ashley ng talento sa pag-arte. Ayon pa kay Ashley, tinuturuan na raw siya ng kanyang daddy ng mga tips na dapat niyang malaman tungkol sa pag-arte. Kapansin-pansin ang kagandahan ni Ashley, talaga nga namang nakikita sa kanyang mukha ang pagiging apo ni Pacquito Diaz. Ngayon si Ashley ay nagdadalaga na at handa ng sumabak sa mundo ng showbiz.

Source : Ashley Diaz IG
Source: Ashley Diaz IG

Kamakailan lamang ay pumirma siya ng kontrata sa Viva Records upang bigyan katupuran ang kanyang singing career bago siya sumabak sa pag-arte. Ayon pa kay Ashley sa kanyang interview with the Viva, gusto niyang makilala dahil sa kanyang talent hindi lang dahil anak siya ni Joko Diaz. Dagdag pa ni Ashley, gusto rin niya munang iexplore ang showbiz at andyan naman daw ang kanyang family para suportahan siya lalo na ang kanyang daddy.

Source: Ashley Diaz IG

Para kay Ashley, gusto niyang magtagumpay bilang siya upang mas makilala siya ng mga tao dahil sa kanyang talento.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alamin Dito Kung Gaano Kayaman Si Daniel Miranda Na Boyfriend ni Sofia Andres Dahil Galing Ito Sa Kilala at Napakayamang Angkan

Silipin Dito Ang Malawak Na Lote Na Sinasabing Proposed Location Site Ng Future Home Ng Magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla