in

Naaalala Ba Ninyo Ang Bata Sa Sineskwela Na Si Agatha Tapan Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Child star na madalas nating makita sa telebisyon noong 90’s, si Agatha Tapan. Minahal natin siya sa iba’t ibang role nito, ngunit mas nakilala siya bilang Denise sa Mara Clara na pinagbidahan nila Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Dahil sa project niya na ito ay mas tumatak sa puso natin ang prangka at mapagmahal na si Denise.

Source : Agatha Tapan FB

Isa rin si Agatha Tapan sa naging cast ng Once Upon a Time noong 1997. Ginampanan niya ang role bilang Trudis Liit, at Mr. Barumbado na ipinalabas noong 1996. Cute na cute at napakagaling umarte ni Agatha, lalo na’t kuhang-kuha nito ang kinakailangan na persona sa kanyang role. Bagamat bata pa ay nakapagtrabaho na ito sa showbiz.

Source: Agatha Tapan FB

Habang maningning pa ang karera nito ay bigla-bigla ay hindi na natin ito nakikita sa telebisyon. Ito ay dahil umano, mas pinili ni Agatha na maglaan ng oras sa kanyang pag-aaral. Malaki ang oras na nakokonsumo sa bawat taping, lalo na’t mag naging parte rin ito ng series na Sineskwela, na madala ipalabas noon tuwing umaga sa telebisyon.

Source: Agatha Tapan FB

Natrace naman ng PEP ang bagong kaganapan kay Agatha, at makikita umano sa Facebook nito ay nakapagtapos ito ng pagaaral sa De La Salle University sa Dasmarinas. Isa sa mga prehisteyosong paaralan ang De La Salle University at dito ay natapos niya ang kursong, AB Communication. Pagkalaan ay naging Business Development Analyst si Agatha sa ANC.

Source: Agatha Tapan FB

Ngayon ay masaya si Agatha kapiling ang kanyang asawa na si Romel Galiza at ang anak nito. Ikinasal si Agatha at si Romel Galiza noong 2015 at kalaunan ay nabiyayaan ng isang anak. Active na active ito sa Facebook at madalas magpost ng mga litrato ng kanyang anak. Sa ngayon ay isa siyang FWD Financial Wealth Planner at masayang masaya sa piling ng kanyang anak at asawa.

Source: Aga than Tapan FB

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakamangha At Nakakaantig Ng Puso Ang Ginawa Ng Batang Ito Para Lamang May Magamit Na Panulat

Ibinahagi ni Nico Bolzico Ang Masayang Bonding Niya Sa Kanyang Anak Na Si Thylane At Ang Napakacute Na Reaksiyon Nito Nang Makita Siya Pagkatapos Niyang Bumalik Sa Pilipinas