in

Ibinahagi ni Nico Bolzico Ang Masayang Bonding Niya Sa Kanyang Anak Na Si Thylane At Ang Napakacute Na Reaksiyon Nito Nang Makita Siya Pagkatapos Niyang Bumalik Sa Pilipinas

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pagkatapos ng kanyang dalawang linggong pamamalagi sa Argentina ay muling nakapiling ni Nico Bolzico ang kanyang anak na si Thylane. Kaya agad itong nagbahagi sa kanyang Instagram ng masayang reunion nila ng kanyang anak kasama ang aktres na si Solenn Heusaff na kanyang asawa.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Nico ang isang video kung saan makikita kung gaano sobrang natutuwa si Baby Thylane na makita uli ang kanyang daddy. Sa pagpasok pa lang ni Nico, ay inulan na niya ng yakap at halik si Baby Thylane dahil sa sobra niyang namiss ang kanyang anak.

Source: Nico IG
Source: Nico IG
Source: Nico IG

Ito ay may caption pa na, “Reunited with my girls! My heart is full again! We stayed sit there for like an hour!” Lumipad si Nico nito lamang Pebrero, upang bisitahin ang kanyang pamilya sa Argentina na matagal na niyang hindi nakikita. Kung kaya naman medyo matagal din ang pagkakawalay niya sa kanyang anak. Sa kanyang pamamalagi sa Argentina, ay labis din siyang na homesick.

Kasi hindi siya sanay na wala sa piling niya ang kanyang asawa at ang kanyang anak. Ayon pa kay Nico, ito raw ang pinakamahirap na bagay na kanyang nagawa. Kaya naman silang mag daddy ay nagbonding dahil pareho nilang namiss ang isa’t isa. Si Baby Thylane naman ay sobrang natuwa sa pagbabalik ng kanyang daddy.

Mapapanood sa video ang kanyang labis na kagalakan sa naging masayang reunion nila ng kanyang daddy. Nakipagkulitan si Nico sa kanyang anak at naaaliw naman ito sa kanya. Makikita sa napakacute na ngiti at tawa ni Baby Thylane ang kanyang kasiyahan at tila mapapansin na sobrang namiss rin niya ang kanyan daddy.

Masaya ngayon ang buhay pamilya ni Nico at Solenn lalong-lalo na sa pagdating ng kanilang munting anghel. Hindi matatawaran ang labis na kasiyahan ni Nico ng makabalik siya dito sa Pilipinas dahil nakasama niya uli ang kanyang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naaalala Ba Ninyo Ang Bata Sa Sineskwela Na Si Agatha Tapan Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon

Alamin Dito Kung Gaano Kayaman Si Daniel Miranda Na Boyfriend ni Sofia Andres Dahil Galing Ito Sa Kilala at Napakayamang Angkan