in ,

LOLLOL

Maraming Nangyaring Mabuting Pagbabago Sa Buhay ni Ejay Falcon Nang Makilala Niya Ang Kaniyang Girlfriend Dahil Ayon Sa Aktor Napakabuting Tao Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala si Ejay Falcon bilang PBB Big winner, umarangkada ang kanyang karera sa showbiz matapos itong Manalo. Sa tindig at kagwapohan nito marami ang humahanga rito at bukod diyan nakakahumaling din ang hubog ng kanyang katawan. Marami na ang pelikula at palabas na kinabilangan niya kaya talagang masasabing isa na siyang successful actor.

Hindi lang din sa career umaarangkada ang actor, ganun din sa pag-ibig. Tila jackpot ni Ejay sa kanyang nobya ngayon. Halos apat 4 na taon ng mag on si Ejay at ang kayang girlfriend na si Jana. Sa halos apat na taong magka relasyon mas nakilala nila ang isat- isa, mas nagkakaintindihan pa lalo sila at higit sa lahat mas lumalalim ang pagtitingin ng dalawa.

Source : Ejay Falcon IG
Source: Ejay Falcon IG

Tila nagkakasundo talaga ang dalawa dahil sa parehas ang kanilang mga hilig. Parehas nilang hilig ang mag travel at pumunta sa mga magagandang spots dito sa Pilipinas. Maikot ang mundo ang pangarap ng dalawa na talagang pinaka sentro at nagpapatibay sa relasyon nila. Gusto nilang makita ang ganda na meron ang mundo ng magkasama.

Source : Ejay Falcon IG
Source : Ejay Falcon IG

Sa katunayan nakabooked na ng flight at planong lumipad silang dalawa papuntang America ngayong August para doon ipagdiwang ang ika 30 taon kaarawan ni Jana, ngunit hindi ito matutuloy dahil narin siguro sa nangyayari ngayon.

Sa isang panayam kay Ejay, sinabi niya na subrang swerte niya kay Jana sapagkat hindi ito tulad ng ibang babae naka fucos sa material na bagay, proud na proud siya dahil siya ang naging girlfriend nito. Ang tanging gusto lang daw ni Jana ay ang makasama si Ejay at ang mga mahal nito sa buhay, sapat na raw sa kanya na nasa tabi niya yung mga taong mahalaga sakanya.

Source: Ejay Falcon IG

Ayon kay Ejay dahil kay Jana mas naging better person raw siya at nagkaroon ng direksyon ang buhay niya. Mas naging matured siya simula ng makasama si Jana, suportado siya ni Jana sa lahat ng bagay at itinuring niyang support system si Jana na talagang ipinagpapasalamat niyang dumating sa buhay niya si Jana.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kambal Na Sina Andres at Atasha Muhlach Namana Ang Kagwapuhan At Kagandahan Ng Kanilang Mga Magulang Na Sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales

Isang 23 years Old Na Nanay, Isang Supermom Nakakamangha Dahil Kayang Sabay-Sabay Alagaan Ang Labin-isang Mga Anak