in

Ina ni Vice Ganda, Nagparinig Na Gusto Na Raw Magkaroon Ng Apo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa takbo ng buhay ay natural lamang na mangarap ang ating mga magulang ng susunod na henerasyon. Iba rin ang saya na dulot ng isang apo para sa mga lolo at lola nito. Nagpahayag naman ang Ina ni Vice Ganda na si Mommy Rosario, ng hiling nito na magkaroon ng apo na tampok sa latest vlog ng komedyante.

Pagpapaliwanag ni Mommy Rosario, “Kasi iniisip ko, sayang itong mga ipinundar mo, anak, na walang magmamana.” Pagkakwento pa nito ay mas mabuti raw nang may sariling anak ang komedyante, “Kanino mapupunta ito? Kami nama’y patanda na. Maliban doon sa dalawang pamangkin mo. Pero iba talaga, anak, ‘yung may sarili ka. Kaya nga nung si Joel Cruz, nung nabalitaan ko, sabi ko, ‘Ay naku sana si Tutoy ganito rin. Ang ku-cute ng mga anak.”

Panandaliang may tila pagkalito at sympatiya ang mukha ng unkabogable star ngunit, tinanong pa rin nito sa Ina kung sinong artista ang gusto nito na magkaroon siya ng anak. Tila walang pagaalinlangan ay sinagot ni Mommy Rosario ang anak, “Yung simpleng simple lang siya, ‘yung gusto mo rin noong araw. Si Kaye Abad.”

Si Kaye Abad ay kasalukuyang ipinagbubuntis ang pangalawang anak nito sa kanyang mister na si Paul Jake Castillo. Isa sa mga sikat na artista si Kaye Abad bago pa man ito ikasal at nagpasyang magpokus sa pamilya at pagiging Ina sa anak nito.

Tila pabirong nanawagan naman si Vice Ganda kay Kaye Abad at sinabing, “Kaye Abad, alam mo na. Baka naman pwede natin pagbigyan ‘yung nanay ko. Charot lang.”

Sa kabilang banda, si Vice ay may relasyon sa kapwa ‘Showtime Host’ na si Ion Perez o mas kilala noon bilang ‘Kuya Escort’.

Inamin naman ni Mommy Rosario ang isa sa mga pinagsisihan nito bilang Ina ni Vice Ganda, “Dahil ikaw ang pinakamaliit, hindi ko nakita ang paglaki mo. Ikaw sa lahat ang hindi ko nakitang lumaki. ‘Yun ang regret ko anak, to tell you the truth.”

Ipinaliwanag naman ni Vice Ganda na wala itong sama ng loob sa ina dahil naiintindihan nito ang sakripisyo kailangan nitong gawin upang makapag-aral siya at masuportahan siya sa mga pangarap nito sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dating Panadero at Water Refiller, Napagtagumpayan Ang Kahirapan At Naabot Ang Pangarap Na Maging Isang Lisensiyadong Doctor

Kilalanin Ang Tatlong Magkakapatid Na Mayroong Super Unique Na Mga Pangalan Na Talagang Nakakamangha