in ,

Maris Racal, Nababalitang May Relasyon Kay Rico Blanco, Ngunit Fan Nga Lang Ba o Girlfriend Na?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Iba talaga ang kapangyarihan ng social media, dahil mas napapalapit nito ang mga tao. Sa kabilang banda, ay nagiging platform rin ito upang maipahayag ang damidamin sa isa’t isa, makipagusap, at magbahagi ng mga ideya o kaganapan sa ating buhay. Isa sa mga celebrities na gumagamit ng social media ay si Maris Racal, na siyang usap-usapan ngayon dahil sa mga tweets nito kay Rico Blanco.

Lumutang ang mga dati nitong tweets kay Rico Blanco at pinaghihinalaan na may relasyon na umano ang dalawa. Nagsimula umano ang lahat sa pagupload ng aktress sa kanyang twitter account ng isang video nila ni Rico Blanco na kumakanta. Si Rico ang nagtutugtog ng gitara habang si Maris ay kumakanta. Kung titignan ay mala CatrionaGrayxSamMilby lang ang scene.

Bilang caption ay isinulat ni ng dating Pinoy Big Brother housemate ay, “Hi rico. Happy birthday.” Nagreply naman ang birthday boy ng, “hahaha love you!!!” Maraming netizen naman ang hindi pinalampas ang sweet na tweets ng dalawa, lalo na’t napaka sweet rin tignan ng dalawa sa video na inupload ng aktres.

Marami sa mga netizens ang nagtanong kay Maris kung si Rico ng aba ang tinutukoy nitong ‘jowa’ reveal sa kanyang tweet noong January ngayon taon.

Dahil rin dito ay inungkat ng mga netizens ang dating tweet ni Maris Racal na nagpapahiwatig na kanyang paghanga kay Rico Blanco.

August 5, 2017 ay nagtweet ito ng, “Hay Rico Blanco when will I hear you sing live. [red heart emoji]”

December 9, 2018 ay nagretweet ito ng isa sa mga posts ni Rico ng, “Lord God. Hope you can listen to my unreleased songs!!! [crying emoji]” at nireplyan ni Maris ng “G!” muli ay nagreply si Rico ng, “would love to [happy face] just followed you.. DM!”

Nagpost rin si Maris ng litrato nila ni Rico Blanco sa Instagram account nito na umani ng 155K hearts. Nagrequest rin si Maris kung maaari bang kantahin ni Rico Blanco ang “Balisong” at “Your Universe” para sa kanya. Kitang kita ang paghanga ni Maris Racal para kay Rico Blanco. Ngunit, hanggang paghanga lamang kaya?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Itinakdang Kauna-unahang Millennial Na Santo, Na Tinagurian Bilang “Patron Saint of The Internet”

Dating Panadero at Water Refiller, Napagtagumpayan Ang Kahirapan At Naabot Ang Pangarap Na Maging Isang Lisensiyadong Doctor