in ,

Kilalanin Ang Itinakdang Kauna-unahang Millennial Na Santo, Na Tinagurian Bilang “Patron Saint of The Internet”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Likas na sa mga katoliko ang sumamba sa banal na mga rebolto ng simbahan. Dahil ito ay isa sa mga imahe ng kanilang dakilang may likha. Sa pagdaan ng panahon, kahit ordinaryong tao ay maaari ng maging isang banal kagaya ng pagiging isang santo. Tunghayan ang kwento ng isang binatang naging millennial na santo dahil sa kanyang himalang nagawa.

Kagaya na lamang ng binatang si Carlo Acutis, siya isang Italyano na natakdang ideklara o i-beatified bilang santo sa darating na Oktubre 10. Ito ay inaprubahan ni Pope Francis noon lamang Pebrero. Dahil sa isang himalang nagawa ng binatang si Carlo ang naging basehan ng simbahan upang siya ay ituring na isang santo. Napagaling kasi ni Carlo ang isang batang lalaki na taga Brazil na naghihirap na sa pambihira nitong sakit sa pancreas.

Si Carlo ay lumaki sa Milan at hindi kalaunan siya ay namatay noong siya ay 15 taong gulang pa lamang dahil sa sakit na leukemia noong 2006. Sa napakabatang edad si Carlo ay mayroon ng malalim na murang edad na pagmamahal sa Panginoon at sa mga mahihirap na tao. Bago mamatay si Carlo, ibinilin niyang ihahandog niya ang kaniyang mga paghihirap sa Simbahan at sa Santo Papa. “I am happy to die because I lived my life without wasting even a minute of it on anything unpleasing to God,” saad niya.

Sa napaka-batang edad, si Carlo ay nagpapakita na di-umano ng isang espesyal na ugnayan sa Diyos. Pumupunta siya sa misa araw-araw at madalas niyang ginugugol ang maraming oras bago ang tabernakulo, na sinasamba ang Mahal na Sakramento. Mayroon din siyang isang espesyal na debosyon kay Maria, na madalas na nagdarasal ng rosaryo. Tinitiyak din niya na ipagtatapat niya ang kanyang mga nagagawa kada linggo. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, siya pa rin ay isang ordinaryong batang lalaki lamang na nakiki-paglaro ng mga video game, football, at masayang nakiki-pagbonding sa kanyang mga kaibigan at mag-aral sa kanilang paaralan.

Nabanggit rin sa kanyang talambuhay kung paano siya itinuring na isang henyo ng kanyang mga kasamahan sa pagpasok nito computer engineering. Nagkaroon din siya ng interes sa pag-edit ng pelikula, at pag-edit at layout ng komiks. Sa tulong ng kaniyang talento, nakagawa siya ng isang website na nag-catalog sa mga Eucharistic miracles sa buong mundo.

Kaya sa kanyang paglisan ang kanyang katawan ay ipinakita para sa pampublikong paggalang sa Church of Santa Maria Maggiore sa Assisi, Italy. Sa pagpapakita ng kanyang libingan, si Carlo ay makikitang nakasuot ng isang simpleng track jacket, maong, at sneaker bilang pagsasabuhay na siya ay isang millennial. Itong kanyang kasuotan ay siyang nakilala sa kanya dahil ito na ang nakasanayan niyang suotin noong siya ay nabubuhay pa.

Ayon kay Archbishop Domenico Sorrentino ng Assisi sa pagbubukas ng libingan ni Carlo sa publiko, na ang katawan nito ay muling binuo ng sining at pagmamahal. “Today we see him again in his mortal body. A body that has passed, in the years of burial in Assisi, through the normal process of decay, which is the legacy of the human condition after sin has removed it from God, the source of life. But this mortal body is destined for resurrection,” sinabi niya. Ang katawan naman ng binata ay itinakdang ipakita sa publiko hanggang Oktubre 17.

Kaya malugod na binati ni Pope Francis si Carlo, at binanggit sa kanyang apolostolic exhortation na “Christus Vivit” (Christ Lives) ang natamasa ng binata. Ito ang mensahe ng Santo Papa sa mga kabataan, at doon pinuri niya kung paano gumamit ng teknolohiya ang batang Italyano upang maikalat ang ebanghelyo, at maipaabot ang mga pagpapahalaga at kagandahan.

Saad ni Pope Francis, “Carlo was well aware that the whole apparatus of communications, advertising and social networking can be used to lull us, to make us addicted to consumerism and buying the latest thing on the market, obsessed with our free time, caught up in negativity.” “Carlo didn’t fall into the trap. He saw that many young people, wanting to be different, really end up being like everyone else, running after whatever the powerful set before them with the mechanisms of consumerism and distraction.”

Sa Simbahang Katoliko, ang beautification ay isang pagkilala sa mga tagasunod na namatay na tao na may nagawang kabanalan sa buhay. Ngunit sa mga martir, ito ay isang deklarasyon na ang tapat na naglilingkod ay ang mamatay para sa Pananampalataya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Napakacute Na Loob Ng Bahay Ni Ai-Ai delas Alas, Na Napuno Ng Paborito Niyang Hello Kitty Na Dinesenyo Ng Kanyang Mahal Na Asawa

Maris Racal, Nababalitang May Relasyon Kay Rico Blanco, Ngunit Fan Nga Lang Ba o Girlfriend Na?