in

Dating Panadero at Water Refiller, Napagtagumpayan Ang Kahirapan At Naabot Ang Pangarap Na Maging Isang Lisensiyadong Doctor

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sabi nga nila, sa laban ng buhay kapag sumuko ka talo ka pero kapag nakipagsapalaran ka may pag-asang mananalo ka. Anumang hirap ng buhay ay kayang lagpasan ng isang taong binuo ng kanyang pangarap. Sipag, tiyaga at determinasyon ang tanging susi upang ang mga pangarap ay maabot.

Tulad na lamang ng kwento ng isang lalaking ito na nagkaroon ng iba’t ibang trabaho upang maabot lamang ang kanyang pangarap na maging isang lisensiyadong doktor. Siya ay si Rommel Abellar Amos, nangarap at nagsumikap siya upang makarating niya ang kanyang naging tagumpay sa buhay. Tunghayan natin ang naging kwentong pagsusumikap ni Rommel.

Si Rommel ay pinanganak na may kasalatan sa buhay kaya sa napaka-batang edad ay maaga siyang nagbanat ng buto upang matulungan ang kanyang pamilya. Matagal ng pinangarap ni Rommel ang maging isang doktor, ngunit sa kahirapan ng buhay hindi niya agad ito nakamit. Ngunit para sa kanya ang kahirapan ay hindi magiging hadlang bagkus ito ang kanyang magiging sandata upang magsumikap sa buhay. Kaya nagpursige siyang paaralin ang kanyang sarili habang siya nagtatrabaho.

Noon lamang taong 2005, naging isang Water Refiller sa Mega P&F Water Station si Rommel habang siya ay nag-aaral. Kinailangan niyang kumayod upang masuportahan ang kanyang pag-aaral. Kung kaya’t nagpatuloy pa rin siya sa iba’t iba pang klaseng trabaho. Siya rin ay naging isang Merchandiser sa SM San Lazaro Supermarket noong 2006 at nagtrabaho rin siya bilang isang Marketing Assistant sa SYM Motors sa mga sumunod na mga taon. Ang kanyang kasipagan at pagsisikap ay nagpatuloy pa, siya ay naging isang Sales Clerk sa SM Megamall noong 2008 at naging Assistant Baker sa RDA Bakery noong 2017.

Ang kanyang naging determinasyon sa buhay ay nagbunga ng isang hindi matatawarang tagumpay dahil ngayong taon nasungkit na niya ang kanyang pinakamimithi. Ngayon ay isa na siyang Licensed Physician & Registered Nurse sa isang ospital sa Maynila. Ibinahagi niya ang kanyang kwento, sa kanyang social media upang maging inspirasyon sa mga taong hindi tumitigil mangarap para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Mula sa kanyang mga naging karanasan sa pagtatrabaho upang masuportahan lamang ang kanyang pangarap ay napag-tagumpayan niya ang mga ito. Tunay ngang isang inspirasyon ang kanyang kwentong pagsusumikap. Nawa’y maging isang halimbawa ang kanyang naging tagumpay upang mamulat ang lahat sa pag-asang lahat ng pangarap ay maabot kung lalakipan ng kasipagan, pagsisikap, pagtitiyaga at determinasyon sa buhay.

Higit sa lahat ay ang pagtitiwala sa dakilang may likha na lahat ng bagay na gugustuhin natin para sa ikakabuti ng ating buhay ay maabot natin.
Umani ng samu’t saring magagandang komento ang kanyang ibinahaging kwento.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Maris Racal, Nababalitang May Relasyon Kay Rico Blanco, Ngunit Fan Nga Lang Ba o Girlfriend Na?

Ina ni Vice Ganda, Nagparinig Na Gusto Na Raw Magkaroon Ng Apo