in ,

LoveLove

Silipin Dito Ang Napakacute Na Loob Ng Bahay Ni Ai-Ai delas Alas, Na Napuno Ng Paborito Niyang Hello Kitty Na Dinesenyo Ng Kanyang Mahal Na Asawa

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Ai-Ai Delas Alas at ang kanyang asawang si Gerald Sibayan ay kilalang-kilala na sa mundo ng showbiz. Naging bukas naman sa publiko ang kanilang naging buhay lalo na si Ai-Ai. Kaya ngayon, masaya si Ai-Ai sa pagsasama nilang mag-asawa. Kamakailan lamang ay nakatanggap si Ai-Ai ng isang magandang sorpresa mula kay Gerald Sibayan.

Laking gulat ni i Ai-Ai pagkauwi niya sa kanilang bahay na nagmistulang palasyo ni Hello Kitty ang kanyang kwarto. Napuno ito ng mga Hello Kitty items at nangingibabaw ang pagka-pink ng karakter ni Hello Kitty.

Source: Ai-Ai IG
Source: Ai-Ai IG

Kasama sa mga items na ito ang ilaw na ginamit, mirror at ang mga throw pillows. Maging ang couch ay puro Hello Kitty bow print. Mula sa kanyang halos dalawang buwan na lock-in taping, ay matinding kaligayahan ang kanyang naramdaman sa sorpresang kanyang natanggap mula sa kanyang asawa sa kanyang pag-uwi.

Pinaghandaan ni Gerald ang kanyang sorpresa para sa kanyang asawa dahil alam niyang mahilig si Ai-Ai kay Hello Kitty at My Melody products ng Sanrio. Kaya naisip niyang irenovate na lamang ang kanilang bahay na mala-palasyo ng Sanrio bilang kanyang anniversary gift sa kanyang asawa.

Source: Ai-Ai IG

Ayon kay Ai-Ai sa kanyang interview sa PEP, siya ay naluha sa sorpresang kanyang natanggap at natuwa sa malaking pagbabago ng kanilang bahay halos kulay pink ang paligid. Dagdag pa ni Ai-Ai, yung kinita ng kanyang asawa sa online siomai ang ginamit nito panggastos para sa sorpresa para sa kanya. Naghire si Gerald ng isang interior decorator para makuha ang gustong itsura ni Ai-Ai para sa kanilang bahay.

Source: Ai-Ai IG

Talaga nga namang sobrang natuwa si Ai-Ai dahil alam ng kanyang asawa kung saan siya liligaya. Ayon pa kay Ai-Ai, hindi siya maluho sa mga gamit kagaya ng mga bag at sapatos, ang gusto niya lang ay maganda, malinis at maayos na bahay. Mahilig na talaga si Ai-Ai mangolekta ng mga items na related sa kanyang paboritong famous fictional character.

Ika niya sa kanyang interview, “Noong high-school student ako, mahilig ako sa mga Hello Kitty at My Melody items. Iniipon ko noon ang baon ko. Paramihan kami ng bestfriend ko ng pin sa necktie pero palaging Lotlot ako dahil mayaman ang pamilya niya kaya natapos ang hilig ko sa Sanrio products.”

Kaya labis ang kanyang naging kasiyahan sa natanggap niyang anniversary gift. Sobrang thankful si Ai-Ai, dahil sobrang mabait at mapagmahal ang kanyang asawa kaya sobrang proud siya kay Gerald. Masaya naman silang nagcelebrate ng kanilang anniversary.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sanya Lopez, Willing Na Magkaroon Ng Pag-ibig Sa Isang Matanda Dahil Para Sa Kaniya Wala Namang Imposible Basta’t Nagmamahalan Ang Dalawang Tao

Kilalanin Ang Itinakdang Kauna-unahang Millennial Na Santo, Na Tinagurian Bilang “Patron Saint of The Internet”