in ,

Sanya Lopez, Willing Na Magkaroon Ng Pag-ibig Sa Isang Matanda Dahil Para Sa Kaniya Wala Namang Imposible Basta’t Nagmamahalan Ang Dalawang Tao

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon ngayon, hindi na nakakagulat na may magkarelasyon na malaki ang agwat ng edad sa isa’t-isa. Pangkaraniwan na laging mas bata ang babae kaysa sa lalaki. Kahit na naimpluwensyahan na ng modern countries ang Pilipinas, minsan hindi maiwasan na mahusgahan ang mga taong involve sa ganitong relasyon. Ngunit ang iba naman ay hindi nagpapaapekto at umaabot pa talaga sa kasalan.

Sanya’s IG
Sanya’s IG

Ang nakababatang kapatid ni Jak Roberto na si Sanya Lopez ay pinabilib ang sikat at milyonaryong si Willie Revillame sa kanyang karisma at kagandahan.

Sanya’s IG

Pinag uusapan ngayon ang pag-guesting ni Sanya Lopez sa Wowowin na napunta sa usapang relasyon sa matanda.

Isa sa mga naging pag-uusap nila ang usaping pag-ibig. Naitanong sa kanya, kung okay lang sa kanya ang magmahal ng lalaking malaki ang tanda sa kaniya, at ang halimbawang binigay nila ay si Willie Revillame.

Sanya’s IG

Walang alinlangan sumagot si Sanya sa tanong, ang sabi niya “bakit hindi!” Sa mga usapang iyon nabuking ni Willie na si Michael Pangilinan ang manliligaw ngayon ni Sanya, ngunit agad itong deninay ng aktres.

Nang tanungin ulit ito ni Willie kong ano ang plano at pangarap niya sa buhay ang tanging sagot ni Sanya ay ” Pangarap ko sa buhay ko? Ikaw lang”
Dahil sa sagot niya, biglang nagtawanan sina Willie at Donita. Para kay Willie, masyadong bata si Sanya para sa kanyang edad.

Sanya’s IG

Nagsalita naman agad si Donita na kahit anong mangyari sa atin, ang importante ay nagmahal tayo.

Sa tanong ni Willie na kung ayos lang ba sa kaniyang magmahal ng parang lolo niya na ay sinagot niyang hindi naman ito impossible, dahil hindi naman ito mapipigilan kung talagang nagmamahalan.

Sanya’s IG

Biro niya pa na siya pa mismo ang magtutulak ng wheelchair ni Willie pag tumanda na ito. Kinilig at natawa si Willie sa sinabi ni Sanya at sabay sabing “Napaka Sweet”.

Sanya’s IG

Dagdag biro pa ni Sanya, ” Oo, kaso yung isang room dito sa Wil Tower nakapangalan na sakin, diba?

Sa mga tinuran ni Sanya, ipinahiwatig niya na hindi basehan ang edad sa pagmamahal.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Si Ella Cristofani, Ang Bagong Mukha Sa Showbiz Na Aantig Sa Inyong Mga Puso

Silipin Dito Ang Napakacute Na Loob Ng Bahay Ni Ai-Ai delas Alas, Na Napuno Ng Paborito Niyang Hello Kitty Na Dinesenyo Ng Kanyang Mahal Na Asawa