in ,

Batang Ibinenta Ang Kanyang Mga Medalya Para May Pangkain Ang Kaniyang Pamilya, Inulan Ng Simpatiya At Paghanga

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa ating mga Pilipino ang dumaan sa matinding paghihirap nang dumating ang p*nd*mya. Kabilang na lamang ang pamilya ni Kenneth Mendoza na 9-taong gulang pa lamang ay naisipang ibenta ang mga medalyang nakuha sa eskwelahan para lamang may pagkain ang pamilya.

Nanawagan si Kenneth sa social media upang may bumili ng mga medalya niya. Aniya ng bata ay, “Mga medals ko po. Bente-bente lang po. Salamat po.” Isang grade 4 student si Kenneth at sa kabila ng pagmamahal niya sa kanyang mga medalya ay mas pinili nitong makatulong na makabili ng pagkain ang kanyang pamilya.

Nangungupahan lamang sa maliit na kuwarto ang kanyang pamilya ang ang ina naman nito ay nagtatrabaho bilang ladyguard. Ngunit nang dumating ang p*nd*mya ay nawalan ito ng trabaho.

Kasama ang kanyang kapatid, ay itinataguyod ng kanyang single mother na Ina ang pagpapalaki sa kanila. Nalubog pa umano sa utang ang kanyang pamilya ngayong p*nd*mya.

Source : GMA

Pahayag ng kanyang Ina na si Cheryl Mendoza, “Itong p*nd*m*c po sobrang hirap po. Sunod-sunod kaming nagkakasakit. Nabaon ako sa utang. Sabi ko nga ayoko magkasakit ang anak ko. Syempre nanay ako e mas masakit sakin yun. Bawal din ako magkasakit, dahil paano sila kung nakahiga ako? Hindi pwedeng umasa kahit kanino, kailangan babango ako. Kailangang bumangon.”

Sumasideline rin umano si Cheryl bilang kasambahay upang kumita ng pera para sa pagkain ng pamilya. Ang kapalit ay isang araw sa isang linggo lamang niya nakikita ang kanyang mga anak. Bumabawi umano si Cheryl at inilalabas ang mga anak tuwing umuuwi siya ngunit nakiusap ang mga ito sa kanya na mas pinipili nilang kapiling siya at walang makain kaysa naman hindi makapiling ang ina sa anim na araw sa isang linggo.

Ngunit laki pa rin ang tuwa at pasasalamat ni Cheryl na kahit sa kabila ng kawalan niya ng oras sa mga ito ay nage-excel ang kanyang anak sa eskwela. Subalit naisipan ni Kenneth na ibenta ang mga medals na natamo niya upang makatulong sa ina, “Nahihirapan na po ako kapag nahihirapan si Mama. Iniisip ko lang ko kung makakabayad pa kami ng bahay. Kasi kapag hindi kami nakabayad papalayasin kami dito. Naisip ko po ibenta po ang mga medals ko. Kasi kapag pinatagal ko pa dun sa lagayan baka po mangalawang. Pero pinaghirapan ko po yun. Gusto ko po ibenta kasi nahihirapan na si Mama ng sobra. Kahit marami na po kaming pinagdaanang pagsubok hindi niya kami iniwan.”

Source: Jessica Soho

Marami ang nakapanood ng video at nafeature pa ang istorya ni Kenneth sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Dito ay natulungan ang mag-ina, nabigyan sila ng cash-aid, laptop at broadband na magagamit nila sa pag-aaral ng dalawa niyang anak. Labis-labis ang pagkatuwa ni Kenneth at nag pasasalamat ni Cheryl sa programa at sa mga may mabuting puso na tumulong sa kanila.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Napakapalad Ng Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay Dahil Puno Pala Ng Pera Ang Bodega Nito

Kilalanin Ang Napakagandang Misis Ni Christian Baustista Na Kinagigiliwan Ngayon Dahil Sa Kagandahang Taglay Nito