May mga taong ipinanganak na ng mayaman o mahirap. Kaya ang mga pinanganak ng mayaman ay napakapalad sapagkat natatamasa nila ang ginawa. Samantalang, yaong mga ipinanganak ng mahirap ay halos hindi makakain ng sapat at minsan ay hindi nakakapagtapos ng pag-aaral.
Meron namang mga mahihirapan na ginagawang inspirasyon ang kahirapan upang makaahon at makalasap ng maayos na pamumuhay.
Lumaki sa Gensan si Melai at ayon sa kanya nang siya’y maging guest ni Toni Gonzaga sa YouTube Channel nito, kapag may bangkang malaki ka sa kanila ay mayaman ka na. May pagmamay-aring bangka ang pamilya ni Melai, at ang nakukuha nilang Tuna ay inaangkat nila sa ibat ibang bansa.

Ito ang sinabi niya kay Toni, ” Medyo may pagkamayaman talaga kami ate Tons, kasi mayaman ka sa GenSan kapag may bangka na malaki, yun talaga ang pinapadala sa laot. 3 Months yung nandoon sa laot para kumuha ng tuna, yung tuna na pinapadala sa Japan. So may pagka mayaman kami dati.”

Dagdag niya pa, sosyal daw siya dati at halos every week daw silang nasa mall.

Pero ayon kay Melai, may isang pangyayaring hindi inaasahan at iyonn ay noong ang bangkang nasa laot ay lumagpas sa boundary ng Pilipinas at Indonesia ng di nila namamalayan kaya nak*l*ng ang 10 na crew ng kanilang bangka.

Sa nangyari, ang mga naiwang pamilya nung sampong trabahador nina Melai ay sinagot nila ang pagkain at pang-araw araw ng halos 2 taon.

Matapos ang mawalan sila ng bangka dahil sa nangyari sa Indonesia, doon bumagsak ang pangkabuhayan ng pamilya ni Melai, at ayon sa kanya yun ang dahilan ng pagkabagsak nila at paghirap.
Comments
Loading…