in , ,

Kilalanin Ang Pinakabatang Babae Sa Buong Mundo Na Nagsilang Ng Sanggol

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang isang babae ay dumadaan sa pagdadalaga bago maging isang ina. Ngunit may mga kakaibang kondsiyon talaga ang umiiral dito sa mundo. Kagaya na lamang ng isang batang babae na naging ina sa edad na 5 taong gulang.

Ang batang ito ay si Lina Medina kung saan siya ay tinaguriang naka kuha ng “World’s Youngest Mother” sa buong mundo kung saan siya ay nanganak sa edad na 5 taong gulang pa lamang. Noong taong 1939 sa lugar ng Ticrapu, Peru ay naitala ang kanyang kakaibang kondisyon.

Ayon sa mga magulang ng batang si Lina, akala nila kaya lumalaki ang tiyan ng kanilang anak ay dahil sa tumor na tumutubo sa kanyang tiyan. Ngunit noong dinala nila ito sa ospital upang ipasuri laking gulat nila na ito ay nagdadalang-tao na pala at ang kanyang ipinagbubuntis ay nasa ika-pitong buwan na. Pati na ang mga doktor na sumuri kay Lina ay hindi rin makapaniwala sa kanyang naging kondisyon. Makalipas pa ang ilang mga linggo ay tuluyan na itong nanganak.

Ang naging kondisyon ni Lina ay talagang kakaiba, dahil ayon sa mga doktor na sumuri sa kanya ang kondisyon ni Lina ay tinawag na ‘precocious puberty,‘ ito ang uri ng kondisyon sa paglaki ng isang batang babae kung saan iisa lamang ang nakakaranas nito mula 10,000 na libong batang babae. Ito ang kondisyon kung saan nanganganak ang isang batang babae sa napaka-murang edad.

Nagpa-alaman din ng mga eksperto na sumuri sa kanya na nagkakaroon na pala ito ng buwanang dalaw noong ito ay 3 taong gulang pa lamang. Mapapansin na rin ang pagbabago ng kanyang pangangatawan kagaya na lamang ng paglaki ng kanyang bewang, dibdib at iba pang parte ng kanyang katawan. Nangangahulugan sa nakapa-murang edad ay naranasan na niya ang nararanasan ng isang nagdadalaga.

Dahil sa naging kondisyon marami ang naintriga kung sino ng aba ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Ngunit tikim ang kanyang bibig at piniling manahimik na lang. Kaya ilang taon pa ang lumipas ang anak ni Lina ay halos kapatid na lamang niya dahil hindi sila nagkakalayo ng edad.

Ngunit sa kabila ng kanyang naging kontrabersiya pinili na lang ni Lina ang magkaroon ng tahimik na buhay kesa ungkatin kung sino ng ba ang tunay na ama ng kanyang anak. Kaya sa paglipas ng panahon si Lina ngayon ay may sarili ng pamilya at kasama pa rin ang kanyang anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Bibingka Vendor Na May Nakakabighaning Ganda Trending Online Ngayon

Pinasilip Ni Bea Alonzo Sa Madla Ang Kanyang Napakalawak At Napakagandang Farm Sa Zambales Na Nakatulong Ng Malaki Sa Kaniyang Pamilya