Matagal na nababanggit ng aktres sa kanyang vlog ang family farm nito sa Zambales. May mga nagrequest na fans at netizens sa YouTube channel ni Bea kaya naman ay pumayag ito at nag-upload ng baong vlog para lamang sa kanyang farm tour.

Paunang kwento ni Bea, hindi umano sigurado ang kanyang pamilya kung kakayanin ba nilang mag-farm. Inalok kasi si Bea ng lupa sa Zambales ng kanyang kaibigan na is Isabel Rivas, dahil may farm rin umano ito roon. Kalaunan ay napag-isipan ng pamilya na bilhin ang lupa at subukan ang farming. Lingid sa kaalaman nila, ay darating ang panahon na ito pala ang magsisilbing tahanan sa kanila.



Ayon kay Bea ay doon na raw sa farm nakatira ang kanyang Ina, kapatid at stepdad. Sa kanilang farm ay nagtanim ng mahogany trees sina Bea na siyang magandang investment dahil mahal ang mahogany pagdating ng panahon na pwede na itong i-harvest. Maraming mga furniture maker ang nangangailangan ng mahogany, at ito ang pangunahing target market nila.


Maliban sa mahogany trees ay mayroon din silang calamansi at mango trees sa kanilang farm. Ipinakita rin ni Bea ang mga karatula sa kanilang farm kung saan ay nakalagay ang pangalan ng bawat hanay ng kanilang farm. Isa sa mga ito ay “bahay ni Basaha’, na isang role kung saan kilalang-kilala si Bea.

Mayroon rin silang organic farm kung saan ibinida ni Bea na all organic ito – walang sprays, pesticides, at hindi gumagamit ng processed feeds. Ang kanilang kuryente ay mula sa solar-power. Mayroon silang alagang cow, baboy, manok, bibe at tupa. Mayroon din silang fishpond kung saan ay tilapia ang inaalagaan nila.

Kumukuha rin sila ng kanilang bigas na mula sa palayan at hindi sa palengke kaya naman ay napaka-linamnam ng bigas na kinakain nila rito lalo na kung bagong harvest. Proud na proud si Bea sa kanilang farm at tunay na napakaganda nito.
Comments
Loading…