in , ,

Isang Bibingka Vendor Na May Nakakabighaning Ganda Trending Online Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Namamayagpag pati na sa buong mundo ang ganda ng Pilipina, hindi ito maikakaila sapagkat laging kasali sa Top 10, Top 5 at minsan pa nga’y naiuuwi ang korona ng ating mga nag-gagandahan at matatalinong representatives sa World pageants.

Hindi na din nagpapahuli sa ibang bansa dahil marami na ding mga Pilipina ang sikat sa ibang panig ng mundo sa showbiz. At Marami talagang nabibighani sa ganda ng Pilipina katulad lamang ng isang babaeng nagbebenta ng bibingka na talagang trending online ngayon.

Marami ang nabighani sa kagandahang taglay ng babaeng kinilalang si Cristy Cuizon, isang 18 years old na nagmula sa Danao City. Napukaw ang atensyon ng karamihan ng may mag upload sa litrato ng dalaga na may kakaibang gandang taglay.

Source: Dark Room Cebu

Ito ang laman ng post ng isang nagngangalang Dumon, ” We went to Danao to take photos of our friends who joined Motorcross race. She had a rare Beauty and she was a very accommodating vendor.”

Source: Dark Room Cebu

Ayon pa sa kanya, sa sobrang pagkabighani niya sa dalaga agad agad niya itong kinuhaan ng litrato at yun ang mga litratong ipinost niya sa social media na agad ring nag trending.

Source: Dark Room Cebu

Sa pagbilis ng pag kalat ng larawan niya sa social media, ganun din kabilis ang pag dami ng taga hanga ng dalaga sa gandang taglay, hindi niya ikinahihiya ang kanyang pagtitinda ng bibingka at ang kasimplehan sa sarili.

Source: Cristy Quizon Bibingka Girl FB Page

Sa amo ng kanyang mukha marami ang nag sasabing hawig nito ang Primetime Queen na si Mrs. Marian Rivera-Dantes.

Source: Cristy Quizon Bibingka Girl FB Page

Dahil sa maraming humanga at natuwa sa kanyang kagandahang taglay, inofferan siya ng free service ng isang sikat na Clinic sa Cebu.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Mga Benepisyo Ng Paglalagay Ng Sibuyas Sa Paa

Kilalanin Ang Pinakabatang Babae Sa Buong Mundo Na Nagsilang Ng Sanggol