in ,

Nang Dahil Sa Pagsisikap Ng Isang Pamilya, Ang Dating Bahay Na Barung-Barong Ay Isa Ng Napakaganda at Napakalaking Bahay Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karamihan sa mga tao ngayon ay nahihirapan dahil sa dinulot ng pandemiya. May mga taong namomroblema sa pinansiyal na aspeto. Ngunit, ika nga nila habang may buhay ay may pag-asa.

Ganito na lamang ibinahagi ng netizen na si Mary Anne Navarro, ang naging achievement ng kanilang pamilya. Ibinahagi niya ang naging kwento ng kanilang tagumpay upang maging inspirasyon lalo na sa mga taong may pinapangarap na maabot sa buhay.

Photo Source: Mary Anne Navarro

Ayon kay Mary Anne, nagsimula siyang mangarap nang ang kanilang tahanan ay isang barong-barong pa lamang. Ang kanilang munting tahanan pa noon, ay nasasalanta ng bagyo at natatanggalan ng bubong. Kaya lagi siyang nagdarasal noon na maka-ahon sila sa kahirapan.

Pagbabahagi pa ni Mary Anne, hindi sapat ang kinikita ng kanyang ina dahil isa lamang itong physical therapist na nagtitiyaga na umuwi ng madaling araw upang magkaroon lamang ng pera at upang may pangtustos ng kanilang mga pangangailangan. Kaya nagsumikap ang pamilya ni Mary Anne, upang guminhawa ang kanilang buhay. Dagdag pa niya, nagsimula lang sila sa maliit na pamumuhunan hanggang sa napalago nila ito.

Photo Source: Mary Anne Navarro

Ngunit sa kanilang pamumuhunan ay hindi naman ito naging banayad, dahil marami pa rin naman silang naranasang mga challenges sa buhay. Pero naging inspirasyon nila ito, upang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan hanggang sa nakaipon na sila para sa kanilang pinangarap na bahay.

Makikita sa larawang ibinahagi ni Mary Anne, na mula sa pagiging barong-baro na bahay ngayon ay isa ng napaka-gandang bahay na parang subdivision style. Para kay Mary Anne, hindi dapat sumuko sa laban ng buhay nararapat na magsumikap at magtiwala sa Diyos na lahat ng naisin ay magkakatotoo.

Photo Source: Mary Anne Navarro

Dahil lahat ng malalaking bagay ay nagsisimula sa maliit kaya ang pagtitiyaga, pagsusumikap at determinasyon sa buhay ang susi sa bawat tagumpay. Ibinahagi ito ni Mary Anne, upang maging isang inspirasyon sa lahat ng tao hindi para mag-mayabang. Maging matatag lang tayo at magtiwala sa Diyos upang tayo ay laging may gabay patungo sa ating mga pangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Pinoy Coffee Painting Artist-Poet Na Si Larry Abreño, Naging Inspirasyon Ang Kanyang Mga Obra Sa New Zealand

Dahil Tadtad Ng Tattoo Ang Isang Babae Pinalabas Sa Isang Restaurant Pero Isa Pala Siyang Kagalang-galang Na Tao