in ,

Isang Pinoy Coffee Painting Artist-Poet Na Si Larry Abreño, Naging Inspirasyon Ang Kanyang Mga Obra Sa New Zealand

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang artist ngayon ay may kakaibang obra maestra , dahil sa kanyang ginagamit na medium sa painting. Ito ang artist na si Larry Abreño isang guro sa Miriam College na nagpapakita ng mga gawang coffee painting.

Source: Larry FB

Ibinahagi ni Larry ang kanyang talento at sining sa paggamit ng coffee bilang isang medium upang magpinta sa papel, kahoy, at canvas. Isa siyang magaling na artist sa pagpipinta gamit ang coffee medium. Nakakamangaha kung paano siya nakakalikha ng sining mula sa mga bagay sa paligid niya.

Source: Larry FB

Ang kanyang mga likha ay nakakilala nang anyayahan siyang ipakita ang kanyang mga likha sa Fo Guang Shan Buddhist Temple sa Auckland. Ang mga monghe ay labis na humanga sa kanya, na inimbitahan nila siyang magpakita din sa kanilang templo sa Christchurch. Ang ilan sa kanyang mga obra ay matatagpuan din sa mga cafe sa Botany, Howick, at sa North Shore. Nabenta niya ang ilan sa kanyang mga obra.

Source: Larry FB

Ayon kay Larry, ang proseso ay palaging magkapareho maging sa papel, kahoy, o canvas. “Always start with a sketch, which is actually the hardest part. Once that’s done all you need is coffee and water, mix it up, and apply it in whatever manner you want, working on light and dark tones,” saad pa niya. Bumili pa siya ng coffee grinder nang siya nagtravel sa Vietnam noong nakaraang Disyembre.

Source: Larry FB

Nakatutulong iyon sa kanya sa pagkakaroon ng isang matagalang supply ng kape. Dagdag pa niya, “I wasn’t a coffee person before but the aroma of the coffee while painting is so addictive. I also like the classic monochromatic effect of coffee that always brought me back to olden times. At the same time, coffee is eco-friendly and easy to find and affordable.”

Source: Larry FB

Ayon pa sa kanya, hindi magandang gamitin ang kapeng hindi puro kagaya na lamang ng mga ibinebenta na 3-in-1 na kape dahil may halo na itong gatas o cream. Sinabi rin niya, “it takes 2-4 hours to finish a coffee painting on an A4 size paper depending on how complicated the subject is.” Tunay ngang may angking galing ang mga Pilipino pagdating sa sining. Ang kanilang mga talento kagaya na lamang ni Larry nagiging inspirasyon ng iba pang mga artist.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Filipino Historian Sa UP, Nakatanggap Ng Academic Honors Sa Pinakaprestihiyosong Institusyon Sa Espanya

Nang Dahil Sa Pagsisikap Ng Isang Pamilya, Ang Dating Bahay Na Barung-Barong Ay Isa Ng Napakaganda at Napakalaking Bahay Ngayon