in

Isang Lalaki, Hindi Nagdalawang Isip Na Tulungan Ang Mag-amang Naliligaw At Walang Makain

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Racel Diola Melargo ang security guard na nag viral sa social media, naantig ang lahat ng tulungan niyang naliligaw at walang makaing mag-ama.

Sa isang video makikita ang nakakaawang mag-ama na pagod at halatang malungkot sapagkat naliligaw ito. Ang init at pagod ay sinabayan pa ng gutom ay talagang nakakapanlumo kong iispin lalo na at may mga bata itong kasama.

Dahil sa awa ng makita ni Racel na nahihirapan ang mag-aama sa sitwasyon nila, hindi nagdalawang-isip ang Security Guard na lapitan ang mga ito at sa pag uusisa niya, napag-alaman niyang ang mga mag- amang ito ay paputang Lemery Batangas.

Napunta sa sitwasyong ito ang mga mag-aamang ito dahil sa kawalan ng perang pampamasahe, wala rin silang pera upang makabili ng pagkain kaya nag lalakad ang mga ito patungong Lemery Batangas.

Ayon sa ama, nagmula pa sila sa Manila, napadpad sila sa San Pablo Laguna dahil sa mali ang kanilang nasakyang bus. Mula San Pablo hanggang Tanaun Batangas ay tiniis nilang lakarin na halos 3 araw na silang nagtitiis maglakad.

Sa gutom at uhaw na kanilang dinaranas sa bawat araw na lumilipas, nakikiinom at nakikikain nalang sila sa mga karenderya kahit para lang sa kanyang mga anak.

Tumulo ang luha ni Racel habang pinakikinggan ang kwento ng ama ng mga bata sa dinanas nilang hirap sa paglalakad.

At ang pinakamasakit sa mga narinig niya ay ang dahilan ng pag-uwi ng mga ito Sa Lemery Batangas ay dahil sa namatay na ang ina ng mga bata.

Bilang isang tulong ng butihing security guard, binigyan niya ng pamasahe ang mag-aama para sa kahit huling sandali ng ina ay masilayan nila ito.

Pinakain rin ni Racel ang mag-aama upang magkaroon ang mga ito ng lakas para makabiyahe papuntang kemery, at pinabaonan narin niya ito ng mga pagkain.

Ang dahilan ng pag post ni Racel sa pagtulong niya sa mag-aama ay upang hikayatin at maging isang huwaran para sakaling sila ang makakita sa mag ama o sa kahit na sinong tulad nilang nangangailangan ay may mga tao ring magiging bukas palad para sa nangangailangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dahil Tadtad Ng Tattoo Ang Isang Babae Pinalabas Sa Isang Restaurant Pero Isa Pala Siyang Kagalang-galang Na Tao

Mga Benepisyo Ng Paglalagay Ng Sibuyas Sa Paa