in , ,

Dahil Tadtad Ng Tattoo Ang Isang Babae Pinalabas Sa Isang Restaurant Pero Isa Pala Siyang Kagalang-galang Na Tao

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang madalas na pagkakamali ng tao ang paghusga sa panlabas na anyo ng ibang tao. Kahit noong estudyante pa lamang ay tinitingnan kung gaano ka linis ang ating uniporme at hitsura. Kaya naman ay nasanay na ang bawat isa sa atin na tingnan ang panlabas na anyo ng isang tao.

Ang social media ay nagiging plataporma na rin kung saan ay nagkakaroon ng kalayaan ang isang tao na husgahan ang hitsura nito. Kahit ang mga kilalang artista at personalidad sa bansa ay inuulan rin ng pag-babash kapag wala sa ayos ang hitsura nito. Tunay na nagiging moderno na ang pamamaraan ng tuksuhan o body shaming.

Dumarami na ang ganitong pamamaraan ng mga tao nang dahil sa social media. Hindi rin nakaligtas ang isang doktor sa Australia na si Dr. Sarah Gray. Ayon rito ay nakaranas ito ng diskriminasyon dahil mayroon siyang tattoo sa buong katawan. Hinirang siya bilang “world’s most tattoed doctor” dahil sa kanyang anyo.

Source: Dr. Sarah Gray’s Instagram

Sa kabilang banda, ang kanyang hitsura at pagkakaroon ng maraming tattoo ay hindi naman naging hadlang sa kanyang propesyon. Patuloy at maayos nitong nagagawa ang mga duties nito sa hospital pati na rin sa mga surgeries na ginawa nito.

Source: Dr. Sarah Gray’s Instagram

Subalit, kahit na tanggap na sa kanyang workspace ang kanyang hitsura ay sadyang may mga lugar na hindi na sanay at may ibang pananaw sa pagkakaroon ng maraming tattoo.

Source: Dr. Sarah Gray’s Instagram

Kwento ni Dr. Sarah Gray, ay kakain sana sila ng kanyang partner sa Gold Coast at tipong nakaupo na nang lapitan umano sila ng manager ng naturang restaurant. Pinapaalis umano sila nito sa establishemento dahil may policia umano ang restaurant na “no visible tattoo policy”.

Source: Dr. Sarah Gray’s Instagram

Hindi lamang ito ang kauna-unahang nakaranas ng discrimination si Dr. Sarah Gray kundi pati na rin sa mga tindahan na binisita nito. Ayon rito ay kadalasan na hindi siya ina-assist ng mga personel at inuuna pa umano ang ibang customers. Sadyang nakakalungkot ang ganitong pangyayari at inamin naman ng doktor na nakakadisappoint ngunit nanatili itong positibo sa kabila ng pagtrato sa kanya ng mga nasabing lugar.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nang Dahil Sa Pagsisikap Ng Isang Pamilya, Ang Dating Bahay Na Barung-Barong Ay Isa Ng Napakaganda at Napakalaking Bahay Ngayon

Isang Lalaki, Hindi Nagdalawang Isip Na Tulungan Ang Mag-amang Naliligaw At Walang Makain