in ,

LoveLove

Silipin Ang Nakakamangha At Mamahaling Luxury Van Ni Jinkee at Manny Pacquiao Na Siguradong Mapapawow Ang Sinumang Makakita

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Minamahal ng maraming Pilipino ang boxing champion na si Manny Pacquiao. Kitang-kita ang pagpupursige nito sa pagsasanay sa larangan ng boxing. Kaya naman ang tagumpay na nakamit nito ay pang international recognition talaga. Maraming laban ang naipanalo nito na talagang nagpahanga sa buong mundo.

Source: Jinkee Pacquio’s IG

Mahirap ang buhay ni Manny noon, na siya namang nagtulak rito para ipanalo ang bawat laban nito. Ngayon ay napakayaman na ni Manny, at kasama ang asawang si Jinkee ay talagang hindi maitatanggi na pinagpala ang pamilya nila.

Source: Jinkee Pacquiao’s IG

Isa na ngayon si Jinkee sa mga fashion inspiration ng mga Pilipina. Sa kanyang Instagram account ay ipinakita nito ang iba’t ibang litrato ng kanilang luxury van. Malawak ang espasyo sa loob nito at napakaganda. Madalas umano itong magamit ni Jinkee tuwing nagshoshopping kasama ang mga anak nito. Madalas mamataan na nagshoshopping si Jinkee kasama ang anak nitong si Michael, Mary Divine Grace at Queen Elizabeth sa Makati.

Source: Jinkee Pacquiao’s IG

Ang van ay kayang magsakay ng sampung tao kung saan bawat isa ay may sariling espasyo para umupo o magrecline. Makikita na beige leather ang ginamit rito at may white color theme sa loob na siyang nagbibigay ng maaliwalas na hitsura ng van.

Source: Jinkee Pacquiao’s IG

Gumagamit rin ang van ang adjustable Korean blinds upang magbigay ng privacy sa loob ng van. Magaganda ng lighting sa loob nito na sapat lamang upang makapagbasa ng libro o magazine ang mga sakay ng van.

Source: Jinkee Pacquiao’s IG

Ang modelo ng luxury van nila Manny ay Toyota Hi-Ace Grandia na ni remodel at ni modify upang magbigay ng sapat na espasyo at magandang ambiance sa loob. Sa labas ay mukhang normal na anyo ng van lamang ito ngunit sa loob ay napaka high class ang dating.

Source: Jinkee Pacquiao’s IG

Swak na swak ang interiors nito lalo na kung traffic o rush hour ang oras ng biyahe. Makakapagrelax ang sakay ng van o magkakaroon ng komportableng higaan upang matulog at magpahinga.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Kusinero Ng Barko, Nakapagpatayo Ng Gasolinahan Dahil Sa Kaniyang Diskarte At Kasipagan

Filipino Historian Sa UP, Nakatanggap Ng Academic Honors Sa Pinakaprestihiyosong Institusyon Sa Espanya