in ,

Filipino Historian Sa UP, Nakatanggap Ng Academic Honors Sa Pinakaprestihiyosong Institusyon Sa Espanya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kahanga-hanga ang naabot ni Dr. Ros Costelo sa pagtatapos nito sa kanyang doctorate degree sa Contemporary History mula sa Unibersidad Complutense de Madrid, sa Espanya. Ito ang pinaka prestihiyosong institusyon sa Espanya kung saan si Jose Rizal at si Antonio Luna pa lamang ang kabilang sa mga Filipino nitong Alumni.

Mula sa Tunga, Leyte si Dr. Ros Costelo at mayroong Bachelor’s at Master’s Degree mula sa University of the Philippines para sa kursong History. Ito ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang assistant professor sa Department of history sa UP Diliman.

Photo : Doc. Ros FB

Inanunsyo ng Embassy of the Philippines sa Madrid noong February 12, 2021 ang nakamit ni Dr. Costelo. Matagumpay na nadepensahan ni Dr. Ros Costelo ang kanyang doctoral thesis sa harap ng mga ekspertong historians mula sa bansang Espanya at Pilipinas. Ito ay nakatamo ng may pinakamataas na academic honors mula sa Spanish educational system, na tunay na nakakabilib maging sa mga espanyol nitong guro.

Photo: Doc Ros FB

Ang thesis nito ay may pamagat na “Public Works and the Spanish Colonial Agenda of Sanitation, Order and Social Control in the Late 18th to 19th Century Manila.” Ipinakita nito kung paano nakatulong ang mga policia ng mga Espanyol sa buhay ng mga Filipino ukol sa public works tulad ng water systems, public streets and lighting, slaughterhouses, public markets at maging sa sementeryo.

Photo: Doc Ros FB

Ibinahagi ni Dr. Ros Costelo na nagkaroon pa ito umano ng C0V*D-19 sa mga panahong malapit na nito matapos ang kanyang thesis. Sa kabila ng lahat ay matagumpay naman nito natapos ang kanyang thesis.

Photo: Doc Ros Fb

Maliban sa pagkompleto nito ng Contemporary History at natapos rin nito ang Master’s degree sa Contemporary History rin at sa parehong paaralan rin.

Tunay na kahanga-hanga ang nakamit ni Dr. Ros Costelo at hindi lamang ito nagbigay parangal sa bansa, kundi pati na rin sa pamilya nitong nasa Leyte. Mabuhay ka Dr. Ros Costelo!

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Ang Nakakamangha At Mamahaling Luxury Van Ni Jinkee at Manny Pacquiao Na Siguradong Mapapawow Ang Sinumang Makakita

Isang Pinoy Coffee Painting Artist-Poet Na Si Larry Abreño, Naging Inspirasyon Ang Kanyang Mga Obra Sa New Zealand