in ,

Isang Kusinero Ng Barko, Nakapagpatayo Ng Gasolinahan Dahil Sa Kaniyang Diskarte At Kasipagan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagtatrabaho sa barko ay hindi ganoon kadali kahit pa malaki ang kinikita rito. Dahil nalalayo sila sa pamilya ay kanilang tinitiis upang masuportahan lamang ang lahat ng pangangailangan ng kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng kwento ng isang lalaking kusinero sa barko na si John Ebreo. Siya ay tubong sa Sariaya, Quezon, sa napakabatang edad siya ay nagtrabaho na sa barko upang matulungan ang kanyang pamilya. Anim na taon ding nagtrabaho si John sa barko tiniis niya ang pangungulila niya sa kanyang pamilya upang magkaroon lamang ng magandang kinabukasan ang mga ito. Kaya nagsipag si John sa pagtatrabaho upang magkaroon ng mas malaking kita para sa ikagiginhawa ng kanyang pamilya.

Source: John Ebreo FB

Kaya naman dahil sa kanyang pagsisipag at pagtatiyaga ay nakapag-invest siya ng sarili niyang negosyo. Ito ang kanyang ipinundar na gasolinahan na sa loob ng anim na taon ay nakamit na niya. Noong lamang May 2020, kahit na may pandemiya ay binuksan ni John ang kanyang negosyo. Kaya nang umuwi sa Pilipinas, ay siya na mismo ang namahala ng kanyang negosyo. Siya ang nagiging pump boy kapag naka-off ang kanyang mga tauhan. Sobrang hands-on si John sa kanyang naipundar na negosyo.

Source: John Ebreo FB
Source: John Ebreo FB
Source: John Ebreo FB


Ibinahagi ni John sa kanyang facebook, ang kanyang kwento upang maging isang inspirasyon sa kapwa niya OFW. Ayon kay John, malaki ang naitulong sa kanya ng kanyang pamilya sa pagpundar niya ng kanyang negosyo dahil nagawa di-umano ng kanyang ama na ibenta ang kanilang sasakyan upang may ipandagdag sa puhunan ng kaniyang negosyong gasolinahan. Kaya nangako si John sa kanyang ama na sa darating na 2022 ay ibibili niya ng bagong sasakyan ang kanyang ama. Sa awa naman ng diyos wala pang taong 2022, ay napalitan na agad ito ni John na kanyang iniregalo sa kanyang ama.

Source: John Ebreo FB

Dagdag pa ni John, karamihan sa mga nagtatrabaho sa barko ay halos nasa labas ang pera dahil sa iginagastos nito sa kanilang mga requirements at trainings para sa kanilang panibagong pagsampa. Kung kaya’t halos nauubos ang kanilang mga ipon. Kaya naman si John ay talagang nag-invest mula sa kanyang mga ipon upang makapagpundar ng sarili niyang negosyo para kung sakaling mawalan man siya ng trabaho atleast may mapagkukuhaan sila ng kanilang ikabubuhay. Dahil para kay John, hindi habambuhay ang kanyang kapalaran sa barko.

Source: John Ebreo FB

Kaya ang payo niya sa nakakarami, ay matutong mag-impok para sa maging handa sa anumang kagipitang mangyayari at turuan ang sarili na huwag mapunta sa luho ang bawat salaping kinikita lalo na sa kagayang niyang OFW. Nawa’y mas maging inspirasyon pa lalo ang kanyang kwento para sa mga determinadong maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Nakakainspire Na Kwento Ng Isang Dating Janitor Na Isang Abogado Na Ngayon

Silipin Ang Nakakamangha At Mamahaling Luxury Van Ni Jinkee at Manny Pacquiao Na Siguradong Mapapawow Ang Sinumang Makakita