in ,

LoveLove

Proud At Masayang Masaya Ang Isang Mangingisda Ng Makapagtapos Ang Kanyang Anak Sa Kolehiyo Bilang Magna Cum Laude

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami sa atin ang nangangarap makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Kabilang na rito ang mga opportunidad na darating para sa mga College graduate. Ang ilang eskwelahan naman ay nagho-host ng jobfair para sa kanilang mga bagong graduate na estudyante. Tila maswerte na ang isang estudyante na mabigyan ng pagkakataon makapag-aral lalo na’t pahirap ng pahirap ang buhay ngayon.

Karamihan naman sa ating mga kababayan ay mas pinipili na lamang magtrabaho upang kumita ng pera upang makatulong sa pamilya. Maaaring nagsakripisyo ang mga ito upang mabigyan ng magandang buhay ang nakababatang kapatid o naubusan na ng motivation na ituloy ang pag-aaral.

Source : Regine Villamejor FB

Gayunpaman, ay napaka importante ng edukasyon sa ating buhay. Isama na rin ang pagtulong ng edukasyon gawing mas karapat-dapat ang isang tao para sa isang trabaho.

Sa katunayan ay walang imposible sa isang tao na pursigido na makamit ang kaniyang mga pangarap. Katulad na lamang ni Regine Villamejor na 20 anyos mula sa Cebu. Siya ay sinusuportahan ng kanyang ama na mangingisda. Bagamat maliit lamang ang kita sa pangingisda ay nagawa nitong maipagtapos sa pag-aaral si Regine.

Source: Regine Villamejor Fb

Proud naman na anak si Regine, at hindi alintana rito ang paghihirap ng kanyang magulang upang makapagbigay ng pangtustos sa kanyang pagaaral. Sa katunayan ay ang kanyang mga magulang ang naging inspirasyon ni Regine upang magpusige na makapagtapos ng kanyang pagaaral.

Source: Regine Villamejor FB
Source: Regine Villamejor FB
Source : Regine Villamejor Fb

Sa tuwa at galak ng kanyang mga magulang ay nakapagtapos si Regine bilang Magna Cum Laude sa kanilang paaralan. Nag-aral si Regina sa University of Jose-Recoletos, Cebu City at nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Liberal Arts & Commerce major in Communication & Marketing.

Source: Regine Villamejor FB

Ibinahagi ng dalaga na ang kinikita ng kanyang mga magulang ay hindi stable dahil nakadepende ang huli ng isda sa panahon. Kaya naman ay hindi masasabing may sapat na halaga na kinikita ang kangyang mga magulang.

Source : Regine Villamejor FB

Kung minsan, pag kalmado ang dagat ay kumikita sila ng 700 sa isang araw. Dahil rito ay maagang namulat si Regine sa hirap ng buhay kaya naman ay nagsumikap ang dalaga makapagtapos ng pagaaral at magbigay puri sa kanyang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan Ang Nakakaaliw Na Pamamaraan Ng Isang Ama Sa Paggawa Nito Ng ‘Mommy Cardboard’ Upang Mapatahan Lamang Ang Kanyang Anak

Isang Nakakainspire Na Kwento Ng Isang Dating Janitor Na Isang Abogado Na Ngayon