in ,

Isang Nakakainspire Na Kwento Ng Isang Dating Janitor Na Isang Abogado Na Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagsisikap at determinasyon ang nagbibigay sa tao upang maabot ang mga pangarap. Walang impossible sa taong may determinadong maging matagumpay sa buhay. Hindi hadlang ang ano pa mang kahirapan upang magkaroon ng magandang buhay.

Narito ang kwentong tiyak na magiging inspirasyon ng marami dahil sa kanyang ipinakitang pagsisikap upang maging isang matagumpay na tao. Ito ang dating janitor na si Ramil Comendador, siya ay nagtatrabaho sa tanggapan ng Commissions on Elections. Apat na taon na nagtrabaho si Ramil bilang isang janitor habang siya ay nag-aaral. Aminado si Ramil na talagang hirap sila sa buhay, ngunit hindi iyon naging hadlang upang makapag-aral siya ng abogasya.

Source: ABS-CBN

Siya ay tubong Catanduanes at nakipagsalaran sa Maynila upang magkaroon ng katuparan ang kanyang mga pangarap. Kaya napag-desisyunan niyang magtrabaho na lamang habang itinataguyod niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Manila. Ayon pa kay Ramil, “Baon-baon mo yung pangarap mo na makaalis na sa kahirapan. Baon-baon mo yun, siyempre. Malaking bahagi nun talaga yung tiwala mo sa Panginoon, at maitatawid mo yung mga pangarap mo.”

Source: ABS-CBN

Sa kalagayan ni Ramil ay talagang mahirap para sa kanya dahil may dalawa pa siyang anak na binubuhay. Kaya hindi naging madali ang kanyang buhay upang mairaos lamang ang kanyang pag-aaral ng abogasya. Laking pasasalamat ni Ramil ng siya ay makapagtapos ng pag-aaral sa kursong Law sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay. Matapos ng kanyang pag-aaral ay agad na kumuha siya ng pagsusulit ng bar exam at laking gulat niya ng siya ay nakapasa kaagad.

Sa edad na 35, hindi lubos aakalain na makakapasa siya sa agad dahil halos sumuko na raw siya noong kumuha siya ng exam. Dagdag pa niya, “Yung kamay ko nun, nagshe-shake talaga, as in hindi makapag-sulat. Ang ginawa ko po, after kong magdasal, kinuha ko ng kaliwang kamay ko ang kanang kamay ko at pinilit kong idiniin sa papel. Sabi ko, ‘Panginoon, pahintulutan mong makapag-sulat ako kasi gustong gusto ko itong maitawid’.”

Source: ABS-CBN

Kaya ngayon sa kabila ng lahata ng kanyang paghihirap na pinagdaanan sa buhay nagkaroon ito ng magandang bunga. Dahil ngayon ay naisakatuparan na niya ang kanyang pinangarap na propesyon. Isa sa mga hiling ni Ramil sa kanyang naging tagumpay ay ang makita ang kanyang amang nang-iwan sa kanila noong siya nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina.

Source: ABS-CBN

Labis ang kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal, dahil sa kanyang naging tagumpay. Ibinahagi niya rin, ang kanyang naging matatag na pagtitiwala sa Panginoon at sa kanyang kakayahan na maabot niya ang kanyang pinapangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Proud At Masayang Masaya Ang Isang Mangingisda Ng Makapagtapos Ang Kanyang Anak Sa Kolehiyo Bilang Magna Cum Laude

Isang Kusinero Ng Barko, Nakapagpatayo Ng Gasolinahan Dahil Sa Kaniyang Diskarte At Kasipagan