Mas madalas hinahanap ng mga anak ang kanilang mga ina lalo na kapag matagal itong nawawala sa kanilang mga tabi. Kung kaya’t sa matagal na oras na wala ang kanilang mga nanay ito ang naging dahilan ng kanilang pag-iyak.
Kaya bilang isang ama na naiiwan sa bahay ay gumagawa na lamang ng kung anu-anong paraan upang mapatahan lamang ang kanilang mga anak. Ngunit ang kanilang mga ginagawa ay nagiging panandalian lamang upang tumigil sa pag-iyak ang kanilang mga anak dahil sa katagalan hinahanap pa rin nila ang kanilang mga ina.
Kagaya na lamang ng nakakaaliw na kwento ng isang Japanese daddy na nakaisip ng epektebong paraan upang hindi umiyak ang kanyang anak sa tuwing aalis ang kanyang asawa. Ito ay ang paggawa niya ng ‘Mommy Cardboard’ na may mukha at katawan ng kanyang asawa.

Ipinapakita niya ito sa kanyang anak sa tuwing aalis o di naman kaya ay may gagawin ang kanyang asawa. Inilalagay ng Japanese daddy ang ‘Mommy Cardboard’ kung saan namamalagi ang kanyang anak para lagi itong nakikita ng kanyang anak habang ito ay naglalaro. Sa larawang ibinahagi, mapapansin na ang ‘Mommy Cardboard’ ay may nakaupo at mayroon ding nakatayo.

Ayon sa Japanese daddy na ito, ito daw ay epektebo dahil tumatahan na raw ang kanyang anak kapag nakikita ang ‘Mommy Cardboard’ ng kanyang asawa. Kitang kita naman sa post ng Pregnancy & Parenting facebook page na masayang masaya ang bata na nakikita ang ‘Mommy Cardboard’ ng kanyang ina.

Kaya maraming mga netizens ang nakakuha ng ideya lalo na ang iba pang mga mommy na naghahanap ng paraan kung paano mapapatahan ang kanilang anak sa tuwing sila ay aalis o di naman kaya ay may gagawin lang sa labas ng bahay.
Maganda ang naging strategy ng Japanese daddy na ito dahil nakatulong sa pagta-tantrums ng kanyang anak ang ‘Mommy Cardboard’ na kanyang ginawa.
Comments
Loading…