in , ,

Sharon Cuneta, Ibinahagi Ang Kanyang Pinapagawa ng Bahay Na Parang Kasing-laki Ng “Mega Mall”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bilang isang sikat na celebrity nagiging bukas si Sharon Cuneta sa kanyang mga plano sa buhay, kagaya na lamang ng pagrenovate niya ng kanilang dating bahay na itinuturing niyang “vacation home” na ngayon ay kanilang ng “forever home”. Noong July 3, 2020 unang binanggit ng Mega Star ang kanilang “forever home” na bahay.

Abs-cbn

Ang kanilang dating bahay bakasyonan na matatagpuan sa Cavite ay kanyang pinarenovate upang gawing mas malaki ito. Pinasilip niya sa kanyang Instagram ang blueprint ng kanilang bagong ipinapatayong bahay. Ayon sa Mega Star, ang pagrenovate niya sa kanilang bahay ay para sa kanyang mga anak. Dagdag pa niya, nang idemolished ang kanilang dating bahay bakasyonan ay kasama ang mga memories nilang mag-anak.

Sharon’s IG
Sharon’s IG

Umabot pa sa puntong nangutang siya ng hundred million upang mabuo lamang ang kanilang dreamed house. Gusto kasi ng Mega Star, na sa bagong bahay ng kaniyang ipinapatayo titira ang kanyang mga anak pati na rin ang magiging pamilya nito kaya sobrang lawak ito na para ng “mega mall” na kalaki.

Sharon’s IG
Sharon’s IG

Kaya umaasa si Sharon na sana bago magkaroon ng sariling pamilya ang kanyang mga anak ay tapos na ang kanilang bagong bahay. Lubos ding nagpapasalamat si Sharon sa lahat ng taong naging bahagi ng pagpapatayo ng kanyang dreamed house. Pinasilip na rin ng Mega Star ang update ng kaniyang “forever home”. Sa pagbabahagi ni Sharon halos 2 taon ang itatagal ng pagpapatayo nito bago ito matapos. Kaya umaasa siya na sana bago matapos ang kanilang bahay ay wala ng pandemiya.

Noong August 2020, pinasilip niya ang naging disenyo ng kanyang bahay kasama na rito ang isang lugar para sa kanilang dog house, isang palaruan, at isang espasyo kung saan aalagaan ang kanilang mga alagang aso. Una na nga niyang ibinahagi na natapos na ang basement ng kanilang bahay. Ayon pa sa Mega Star, super tibay, pulido at magaling ang pagkakagawa ng bahay na kakayanin daw nito kahit lindol na intensity 9-10. Kaya labis ang pasasalamat ni Sharon sa lahat ng tao na naging bahagi sa konstruksyon ng kanyang bahay.

Kaya ang mga tagahanga ng Mega Star ay excited ng makitang matapos ang kanyang dreamed house. Kung kaya’t umani ito ng magagandang komento sa kanyang Instagram post, dahil sa sobrang lawak at laki ng kanyang ipinapagawang bahay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Si Mika Yllana Ang Magandang Dilag Na Anak Ni Anjo Yllana Na Malaki Ang Potensiyal Na Maging Isang Super Star

Naalala Niyo Pa Ba Ang Sikat Na Lumen’s Twins Ng Surf Na Talagang Kinagiliwan Noon, Ito Na Pala Ang Buhay Nila Ngayon