Isa na namang kababayan natin ang nagkaroon ng malaking pagbagbabago ang buhay dahil napagtagumpayan na nito ang mga pagsubok at naabot ang kanyang pangarap maging pulis. Tunay na mahirap abutin ang ating mga pangarap ngunit hindi ito dahilan upang sumuko at mawalan ng motibasyon upang maabot ito.
Kaya naman ay ibinahagi ni Police Officer Renx Francisco D. Ramos ang kanyang kwento upang magbigay inspirasyon sa iba pa nating kababayan o kabataan na nagpupursige maabot ang kanilang pangarap. Isang bagay na talagang makakatulong upang hindi sumuko ang mga ito sa pagsubok na kakaharapin sa buhay.

Ipinagmalaki pa ni Officer Ramos ang kanyang kwento bagamat hindi pangkaraniwan sa iba. Isa na siyang ganap na pulis at inaamin nito na malaki ang naging pagbabago sa kanyang buhay. Ayon rito ay nagdesisyon siyang magtrabaho habang nagaaral upang may pang tustos sa gastusin sa eskwela.
Pumasok umano sa isang sikat na fast food restaurant sa bansa si Officer Ramos at sumasideline din bilang delivery rider habang nagaaral. Hindi rin madali pagkasyahin ang oras sa trabaho at sa pagaaral ngunit kinaya ni Officer Ramos ang lahat ng ito. Walang duda na may pagkakataon sa buhay nito na pakiramdam niya ay nahihirapan na siya ngunit ang importante ay pinagpatuloy nito ang pag abot sa kanyang pangarap.

Ayon kay Officer Ramos, “HUWAG TUMIGIL NA ABUTIN ANG PANGARAP! Working student ako sa jollibee. Pinag tapos ko ang sarili ko at nag delivery food muna habang naghihintay ng qouta sa pnp at sa wakas, naabot ko na pangarap ko. Successful men and women keep moving. They make mistakes, but they don’t quit.
Renx Francisco D Ramos
PNP-AVSEGROUP CLASS 2020-02 ALAB-BALASIK”

Marami namang netizens ang naantig sa kwento ng pagpupursige ni Officer Ramos at nag-iwan ng komento sa kanyang Istorya. Ang iba umano ay na-inspire sa kanyang kwento at nais rin maging pulis.
Mayroon namang mga netizens na ang tanging hiling ay maging mabuting pulis si Officer Ramos na maipagtatanggol ang tao sa katiwaliang gawain.

Mayroon ding netizens ang nag-iwan ng pagbati sa kanyang pagtatapos at pag-abot ng kanyang pangarap. Marami sa ating kababayan ang pinipili na lamang magtrabaho kaysa ipagpatuloy ang pagaaral nang dahil na rin sa hirap ng buhay. Hindi dapat ganoon ang maging pasya ng marami dahil importante pa rin ang edukasyon.
Comments
Loading…