in ,

Bahay Na Gawa Sa Kinakalawang Na Yero, Napakaganda Pala Sa Loob, Umani Ng Napakaraming Magandang Komento

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karamihan, ay hindi maiwasan husgahan ang panglabas na anyo ng isang tao o lugar. Katulad ng kasabihang, “don’t judge the book by its cover” hindi marapat na husgahan natin sa paningin lamang ang isang bagay. Katulad na lamang ng bahay na ito na gawa sa kinakalawang na yero.

Home Design Pictures Fb Page

Aakalaing under contruction o construction site ang isang bahay na ito dahil gawa sa kinakalawang at tagpi-tagping yero ang labas na anyo ng bahay. Kung iisipin, hindi mo talaga siyang aakalain na bahay kung hindi mapapansin ang malalaking bintana nito. Wala ring hardin o halaman sa labas ng bahay – walang landscaping.

Sa pagpasok naman sa bahay, ay bawing-bawi sa ganda ng interiors nito. Simple, malinis at clutter-free ang loob na disenyo ng bahay. Puti ang pintura na ginamit sa loob na may accent ng mga kahoy na nilagyan lamang ng varnish upang lumabas ang natural na ganda ng kahoy. Mala-magazine ang hitsura ng loob na malayong malayo sa labas na anyo nito.

Home Design Pictures Fb Page

Mayroon ring appliances na oang kusina tulad ng refrigerator, television at washing machines. Kumpleto rin sa kagamitan ang bahay tulad ng dining table, sofa, kama at pati na rin ang malaking teddy bear na naka display.

Home Design Pictures Fb Page

Ang kusina naman nito ay may mga cupboards na pagdagdag storage space para sa iba pang appliances na hindi madalas gamitin tulad ng waffle maker o food processor. Malaki rin ang espasyong inilaad rito at wala masyadong kolorete upang madali ang cleaning maintenance at pagtatrabaho sa kusina.

Home Design Pictures Fb page

May sapat din na mga ilaw sa loob, na isa sa mga kinailangan talagang gawin dahil kakaunti ang bintana sa bahay para magaccommodate ng natural light.

Ang hagdan nila ay hindi gawa sa railings na karaniwan sa mga bahay kundi gawa sa semento at kahoy. Child-friendly at safe ang bahay na ito. Talaga namang nakakamangha ang ideya para sa bahay na ito. Tunay na unique at kakaiba.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ang Nakakaaliw Na Eksena Ng Isang Binatang Natulog Ng Naka-live, Ay Kinagiliwan Ng Mga Viewers At Umani Ng Million Views

Dating Delivery Rider At Fastfood Crew Nagsumikap At Isa Ng Pulis Ngayon Na Naging Inspirasyon Ng Marami