in ,

LoveLove CuteCute OMGOMG LOLLOL AngryAngry CryCry WTFWTF

Kilalanin Ang Anak Ni John Estrada at Janice de Belen Na May Mala-Anghel Na Mukha Na Kinagigiliwan Ng Netizens Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Inah De Belen ay anak ng aktres na si Janice de Belen at aktor na si John Estrada. Kahit matagal ng hiwalay sina Janice at John, ay labis pa rin ang pagsuporta nila sa kanilang mga anak. Kaya naman naging lubos na lamang ang naging kalungkutan ni John Estrada ng napag-isipan ng kanyang anak na may balak na itong magpakasal sa kanyang showbiz boyfriend na si Jake Vargas.

Mahigit apat na taon ang relasyon ni Inah at Jake at ito naman ay hindi lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang, kung kaya’t naibahagi ng aktres ang kanilang planong pagpapakasal.

Ayon kay Inah, napag-uusapan na raw nila ni Jake ang tungkol sa pagpapakasal. Sa panayam kay Inah sa kanyang nalalapit na episode sa serye ng Tadhana ay nasabi ng aktres na nasa tamang edad na raw sila ni Jake para pag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa.

Sabi ni Inah sa kanyang interview, “To be honest, of age na kami ni Jake talaga for stuff like that. Napag-uusapan namin but ang dami pa kasi naming gustong gawin.” Kamakailan lamang noong nakaraang taon ay nagcelebrate ang dalawa ng kanilang 4 years anniversary na ibinahagi ni Inah sa kanyang Instagram.

Makikita sa post ang sweetness nila sa isa’t isa, ramdam na ramdam ng kanilang mga fans ang kanilang tunay na pagmamahalan.

Kaya bilang magulang hindi maiwasan ni John na parang naiiyak siya dahil may plano na palang magpakasal ang kanyang panganay na anak.

Ngunit kahit gayunpaman ang kanilang plano, hindi pa rin naman daw pababayaan nila Inah at Jake ang kanilang mga career dahil priority pa rin nila ito sa ngayon. Kung kaya’t wala naman daw dapat ipag-alala si John dahil career pa rin naman ang mahalaga sa dalawa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan Ang Viral Na Taxi Na Malagubat Ang Interior Na Kinagiliwan Ng Maraming Netizens

Angelica Panganiban, Nagbahagi ng Love Advice Para Sa Mga Sumuko Sa Love At Kung Paano Magkaroon Ng Masaya At Successful Relationship