in ,

OMGOMG

Ang Nakakaaliw Na Eksena Ng Isang Binatang Natulog Ng Naka-live, Ay Kinagiliwan Ng Mga Viewers At Umani Ng Million Views

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang youtube vloggers ngayon ay gumagawa ng mga content na magpapasaya sa mga manonood. Lalo pa’t itong mga content na ito ay pinaghahandaan na talaga nila. Ngunit mayroon din namang ibang vloggers ang gumagawa lamang ng mga simpleng bagay upang makakuha ng maraming viewers.

Kagaya na lamang ni Marnie Saez mula sa Cavite City, na nag-viral ngayon sa social media. Dahil ito sa kanyang nakakaaliw na content na wala naman siyang ginawa kundi ang matulog. Nag-live lang naman siya upang ipakita na siya ay matutulog at ito ay may caption pang, “Time to sleep mga beshy tara sama kayo.” Kaya nung gabi ding iyon ay natulog nga talaga si Saez.

Hindi niya lubos aakalain na magkakaroon siya ng maraming viewers ng dahil lang sa kanyang live video sleeping. Ang video na ito ni Saez ay umani lang naman ng 1.8 million views.

Kaya ang mga netizens ay may mga samu’t saring nakakatuwang komento. Marahil siguro sa nakakatuwang reaksiyon ng mukha ni Saez habang siya ay natutulog ang isa rin sa mga dahilan kung bakit kinaginaliwan ng mga netizens na panoorin ang kanyang live video sleeping.

May iba din naman na sadyang binabantayan lang talaga nila kung ano ang susunod na mangyayari sa kanyang pagtulog. Ayon kay Saez, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit siya nag-live ng gabing iyon. Ito ay sa kadahilanang siya ay nakakaramdam ng kalungkutan matapos makipaghiwalay ng kanyang ka live-in partner sa kanya na kasama niya sa loob ng 5 taon. Kaya nag-live na lamang siya upang hindi siya malungkot ng sobra.

Hindi niya aakalain na sa kanyang paggising ay umabot na million ang kanyang viewers kung saan sinubaybayan talaga ang kanyang pagtulog. Kaya nakasisiguro ang mga manonood na walang masamang mangyayari sa kanyan dahil siya ay binabantayang mabuti ng mga viewers.

Labis din ang tuwa at pasasalamat ni Saez na naging concern sa kanya ang mga viewers dahil talagang binantayan siya. Habang ang iba naman ay may komentong nag-live lang siya upang umani ng atensyon at makakuha ng maraming viewers.

Pero para kay Saez, hangga’t napapasaya niya ang mga tao habang pinapanood siya ng mga ito ay sapat na iyon sa kaniya. Dagdag pa niya, na nais niya lamang magbigay ng good vibes at kasiyahan sa lahat.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Angelica Panganiban, Nagbahagi ng Love Advice Para Sa Mga Sumuko Sa Love At Kung Paano Magkaroon Ng Masaya At Successful Relationship

Bahay Na Gawa Sa Kinakalawang Na Yero, Napakaganda Pala Sa Loob, Umani Ng Napakaraming Magandang Komento