in

Tingnan Ang Milagrong Nangyari Sa Mga Gamit Sa Loob Ng Bahay Na Ito Na Halos Matupok Dahil Sa Sunog

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang milagro ang nangyari sa isang ancestral house na pagmamay-ari ng isang 34 anyos na lalaki sa Passi Iloilo City nang masunog ang halos kabuoan nito at nangyari ang sunog noong March 1, 2021 bndang tanghali nung araw na yun.

Nang maapula na ang sunog sinilip nila ang mga pinakainiingatan nilang ibat ibang imahe ng santo sa loob ng bahay, isang nakakabiglang makita na ang mga ito ay hindi manlang napinsala ng apoy.

Makikita sa facebook post ni Pao Paginado Dehan ang mga larawan ng mga nasabing imahen. Nakakapanlumong pangyayaring nasunog ang halos 50 taong bahay ng kanyang pamilya at makikita ang malaking pinsala ng sunog sa mga litratong ibinahagi niya sa kanyang Social media account.

Subrang napinsala ang parte ng pangalawang palapag ng bahay sapagat itoy gawa lang sa kahoy at ang ibaba ay gawa sa semento.

Nagmula ang sunog sa kabilang istruktura na malapit lang sa kinatatayuan ng kanilang old house. Ayon sa unang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) electrical wiring ang nakikitang dahilan ng sunog.

Ang 80 years old at 63 years old niyang tiyahin ay parehas na nasa loob ng bahay ng maganap ang sunog kasama rin ang kanyang 23 years old na pinsan at ang anak nitong 5 years old pa lamang.

Wala namang nasaktan sa kanilang pamilya ngunit sa laki ng sunog natupok ng apoy ang kanilang pangalawang palagapag ng bahay.

Sa panayam ng PEP.ph kay Pao sa Messenger ipinakita ni Pao ang dating itsura ng 2nd floor at ang picture ng nasunog na 2nd floor. Makikita na halos tinupok na ito ng apoy at kailangan ng gibain.

Isang nakakapanglumong pangyayari ang naganap na ito para sa pamilya Paginado. Ngunit sa kabilang banda na halos nakapag tataka ay ang mga imahen ng santo sa bahay na iyon ay hindi manlang nadikitan ng apoy. Halos lahat daw ng sulok ng bahay ay may ibat- ibang saring imahen sapagkat koleksiyon ito ng may ari ng bahay na si Carmen Pinagado, lola ni Pao. Antigo ang ilan sa mga koleksiyon na iyon ni Lola Carmen.

Isang imahen ni Hesukristo na nakadipa sa krus na gawa sa kahoy ang isa sa mga sinabing nag milagro sapagkat nakasabit ito sa gitna ng dingding sa 2nd floor ng bahay. Ang dingding ay halos nangitim dahil sa pinsala ng apoy ngunit hindi nadamay ang imahen na iyon.

Sabi ni Pao ” Dito po talaga kami nagtataka, sunog na sunog po ang buong kwarto pati ang mesa sa baba ng crucifix pati ang krus pero image is intact pa.”

Isang imahen ng Sto. Nino na nasa ground floor ang kataka-takang hindi nasunog. Makikita sa litrato na ang imahen na ito ay nakalagay sa Glass Case at napapalibutan ito ng malilit na imahen ni Virgin Mary.

San Guillermo na may katabing Angel figure na paper mache. Hindi ito nadamay sa sunog at kitang kita na buo parin ito.

Ang San Guillermo ay makikitang nakabalot parin sa plastik nito ng kuhaan ito ng malapitan.

Isang lamesita na puno ng ibat ibang imahen na nakapuwesto sa sulok ng hagdanan paakyat ng second floor ang hindi rin natupok ng apoy.

Ayon kay Pao ” Pati Last Suffer , kahit ano, walang damage” nakasabit ang frame ng Last Suffer sa dingding sa ground floor ng bahay.

Sa hindi inaasahang trahedya, walang namang nasaktan sa pamilya niya na talagang ipinagpapasalamat niya. Ligtas din ang mga koleksiyon ng kanyang yumaong lola. Hindi maipaliwanag ni Pao ang nararamdamang emosyon sa nangyari.

Walang ibinigay na paliwanag ang Fire Authorities para sa mga himalang pagkakaligtas ng mga imahen sa nasunong na bahay. Ngunit para sa pamilya Panigado, ang pananalig sa mga imahen ang nagligtassa kanilang buong pamilya sa kapahamakan na dala mg sunog.

Isa rin sa mga sinabi ni Pao na siguro andiyan ang kanilang lola at ginagabayan sila. Ayon pa kay Pao mas tumindi din ang kaniyang paniniwala bilang katoliko.

Ang mga nasabing nagmilagrong imahen ay nasa bahay ng kanyang tiyuhin at ayon sa kanyang pamilya gusto nilang magpagawa ng isang commercial space na may firewall sa lupang kinatatayuan ng nasunog na bahay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Dito Ang Napakagandang Anak ni Janno Gibbs At Bing Loyzaga Na Si Gabs Gibss

Viral: Isang Aso Tinuring Na Anak At Pinagsuot Ng Damit Pambinyag Na Dating Pagmamay-ari Pa Pala Ng Kanyang Amo