in

Isang Lola Viral, Nagkakandakuba Na Sa Pagtinda Ng Puto Para Lamang Mabigay Ang Pangangailangan Ng Pamilya, Netizen Hindi Nagdalawang Isip Na Siya Ay Tulungan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang sakripisyo ng mga magulang ang dahilan kong ba’t may kinakain ka sa araw araw. Hindi matutumbasan ng kahit na ano ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak.

Ibalik natin ang ang sakripisyo at pagmamahal naibibigay nila, sapat ang mahabang panahon ng paghihirap nila. Tumayo ka sa sarili mong paa at bigyan mo ng magandang buhay ang iyong pamilya lalo na iyong ina .

Google

Isang larawan ng matandang nagtitinda ng puto ang nagpaantig sa mga puso ng tao. Mahirap ang sitwasyon ng nakakaawang matanda, nakakuba na ito kong maglakad halos bumaluktot na siya sa kanyang katawan. Ngunit ang lahat ng ito ay tinitiis niya para makapagbenta lang ng puto tuwing madaling araw.

Kumalat ang larawang ito ng ibahagi ng isang facebook page na Trending Viral ang mga larawan nitong si lola habang nagtitinda ng puto. Ayon sa post, may nakakitang isang mabuting netizen kay lola habang naglalako siya ng puto sa daan at dahil sa naawa ang netizen na iyon naisip niyang bigyan ng pera si lola.

Google

Pagkaabot niya ng pera kay lola, inabutan siya ni lola ng tatlong balot na puto ngunit hindi niya ito tinanggap, at sinabi niya rito na idagdag nalang ito sa kanyang paninda dahil ang perang iniabot niya ay tulong niya para kay lola.

Dahil sa kabaitan ng netizen na iyon, labis labis ang pasasalamat sa kanya ng matanda at sinabi niya ring ipagdadasal niya ito. Galak sa puso ang naramdaman ng netizen na nagbigay ng tulong kay lola sapagkat masarap sa kayang pakiramdam ang makatulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Viral: Isang Aso Tinuring Na Anak At Pinagsuot Ng Damit Pambinyag Na Dating Pagmamay-ari Pa Pala Ng Kanyang Amo

Tingnan Ang Viral Na Taxi Na Malagubat Ang Interior Na Kinagiliwan Ng Maraming Netizens