in ,

Viral: Isang Aso Tinuring Na Anak At Pinagsuot Ng Damit Pambinyag Na Dating Pagmamay-ari Pa Pala Ng Kanyang Amo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karamihan sa mga tao ay mahilig mag-alaga ng mga hayop lalong lalo na ang tinaguriang the man’s bestfriend walang iba kundi ang aso. Minsan nakakawala talaga ng pagod kapag nakikipag-kulitan ang ating mga alaga. Sa katunayan, sila ay itinuturing na nating kapamilya.

Kagaya na lamang ng netizen na si Erriel Saplala, siya ay may alagang aso na may breed na Dachshund, ito ay si Larkin. Itinuturing na ni Erriel si Larkin ng isang anak, kamakailan nga lamang ay nag-viral sa social media ang isang larawan ng kanyang alagang aso.

Dahil ang kanyang alagang aso lang naman ay sinuotan ni Erriel ng damit pambinyag. Ang nakakatuwa pa rito, ang damit pambinyag na pinsuot ni Eriel sa kanyang alaga ay ang kanya mismong damit pambinyag noong siya ay baby pa lamang.

Marami ang natuwa sa larawang ibinahagi ni Erriel dahil talaga nga namang napaka-cute tingnan ng kanyang alagang aso sa suot nito. Ayon kay Eriel, na pinatago sa kanya ng kanyang ina ang damit pambinyag na ito upang magamit niya ito sa kanyang magiging anak.

Kung kaya’t sinunod naman ni Erriel ang bilin sa kanya ng kanyang ina. Ani ni Erriel sa kanyang post, “Sabi noon ni mama sa akin ay itago ko daw yung damit na ginamit ko noong bininyagan ako para magamit pa ng magiging anak ko.”

Dahil para kay Erriel anak na ang turing niya kay Larkin kahit na ito ay isang hayop. Ayon pa kay Erriel, “Kaya hindi ko papalagpasin ang pagkakataon na ito! Ngayon na isa na akong ina, gusto kong sundin ang sinabi ni mama sa akin.”

Labis siyang natutuwa na nakikita niyang suot-suot ito ng kanyang itinuturing na anak. “Ang sarap sa pakiramdam na makita ko ang aking anak na suot ang ang dati kong damit,” dagdag pa niya.

Kaya naman ang mga netizen ay labis ding natuwa sa suot-suot na damit ng kanyang alagang aso at umani ito ng mga nakaka-aliw na mga komento.

Sa larawang ibinahagi ni Erriel ipinapakita niya lamang kung gaano niya kamahal ang kanyang alagang aso. Hindi niya ito itinuturing na basta hayop lamang kundi isang anak na nagbibigay ng kasiyahan sa kanya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan Ang Milagrong Nangyari Sa Mga Gamit Sa Loob Ng Bahay Na Ito Na Halos Matupok Dahil Sa Sunog

Isang Lola Viral, Nagkakandakuba Na Sa Pagtinda Ng Puto Para Lamang Mabigay Ang Pangangailangan Ng Pamilya, Netizen Hindi Nagdalawang Isip Na Siya Ay Tulungan