in ,

Matapos Ang Release Ng Music Video Ng Paubaya Nina Joshua Garcia At Julia Barretto Hudyat Pala Ng Pag-amin Ni Gerald Anderson Na Totoong May Relasyon Sila Ni Julia Barretto

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Taong 2019 ng maging malaking usap-usapan ang hiwalayan nila Gerald Anderson at Bea Alonzo at ayon nga sa iba ay dahil daw ito kay Julia Barretto na nakatambal ni Gerald sa movie nilang Between Maybes. Ngunit agad namang itinanggi nila Gerald at Julia ang bali-balita na sila na nga at third party di umano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Bea.

Halos isang taon at mahigit na din ng lumabas ang haka-haka tungkol kila Gerald at Julia, at nitong araw nga ng Byernes, March 5 ay sinabi na ni Gerald ang totoong estado ng relasyon nilang dalawa. Ayon sa interview kay Gerald ni Boy Abunda ay sinabi nito na siya ay daw ay masayang masaya, na agad naman tinanong ni Boy Abunda kung si Julia ba ang dahilan kung bakit ito masaya, at sinagot naman ito ni Gerald ng “Yes, Tito Boy… It’s a Yes.”

Matatandaan na sa isang interview ni Julia pagkatapos lumabas ang music video nila ni Joshua na paubaya ay sinabi ng dalaga na siya ay masayang masaya at sya din daw ay “in love”. Kung iyong susuriing mabuti ay pareho ang mga binitawang salita ni Gerald at Julia na lalo pang nagpapatunay na sila na talaga.

Sa parehong interview din ay napag-usapan nila Gerald at Boy abunda ang nangyaring hiwalayan nito kay Bea Alonzo. Ayon kay Gerald hindi daw nya lubos maisip kung paano sya nalagay sa ganong sitwasyon kung saan ang hiwalayan nila ni Bea ay isa sa naging maugong at mainit na usapin ng mga panahon iyon.

Dagdag pa nya na sinubukan naman daw niyang maging mabuting tao pero hindi naman daw nito sinasabi na wala siyang nagawang mali. Bukod pa dito ay hindi din daw inaasahan ni Gerald ang mga nakakarating sa kanyang mga bali-balita na kahit ang mga pribadong bagay tungkol sa kanila ni Bea ay alam na din o nailabas na din sa social media.

Base naman sa sinasabi ni Bea na sya ay na “ghosted” daw ni Gerald ay ipinaliwanag naman ni Gerald ang pagkakaintindi nya sa salitang “ghosted”. Ayon kay Gerald “ano po ba ang definition ng ghosting? kasi ang dating sa akin is parang nasa gitna kami ng dinner tapos nagdecide ako mag-back out and di na nagpakita kahit kailan, or is it walking away from a very unhealthy, toxic – not saying na siya ‘yung toxic, but being together, we were very toxic… Hindi narerespeto ‘yung explanation na binibigay mo, hindi tinatanggap.

After months and months and months and months of being on the rocks and [puro] away… I mean, ‘yun lang. I’m just gonna leave it at that. Bahala na po kung paanong ano, but if ‘yun ‘yung ghosting, I’m guilty of one of those two.”

Dagdag pa ni Gerald na wala na din daw talaga syang magagawa at ayaw na din nya umanong magsalita tungkol sa hiwalayan nila ni Bea dahil hahaba pa ang usapan tungkol doon.

Sa ngayon ay mukang pareho naring masaya sila Gerald at Bea na nababalitang karelasyon ni Dominic Roque dahil narin sa madalas silang nakikitang magkasama mapa Pilipinas man o ibang bansa mula pa noong nakaraang taon.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Joshua Garcia, Ulirang Anak, Niregaluhan Ang Kanyang Ama Ng Napakalaki At Napakagandang Bahay

Kilalanin Dito Ang Napakagandang Anak ni Janno Gibbs At Bing Loyzaga Na Si Gabs Gibss