in ,

Netizens Natuwa Sa Mga Sweet At Nakakakilig Na Mga Litrato Ni Megan Young at Mikael Daez Nang Magbakasyon Sila Sa El Nido, Palawan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Basta’t tunay na pagibig ay tiyak makikita at mararamdaman kahit sa larawan. Iba ang kinang sa mga mata at ngiting abot tenga ang makikita sa dalawang tao na nagmamahalan.

Kaya naman matapos ibahagi ni Mikael Diaz at Megan Young ang kanilang vacation photos mula sa kanilang bakasyon ay samu’t saring netizens ang kinilig rito.

Sikat ang mag-asawang Mikael Diaz at Megan Young ngunit nitong mga nakaraang taon ay mukhang sinikap ng dalawa bumisita sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Couple goals ika nga ang dalawa pag dating sa kanilang pamamasyal sa Pilipinas.

Nagbakasyon ang dalawa sa El Nido, Palawan nitong araw ng mga puso at talaga namang nakakatuwa ang mga ibinahagi nilang videos at litrato. Sikat na sikat ang Palawan at ito ang madalas na go-to places ng mga Pilpino at dayuhan sa bansa. Nitong February 21 ay nagpost si Mikael sa kanyang Instagram account.

Makikita na kahit mag-asawa na ay makulit at mapang-asar pa rin sa isa’t isa. Ayon sa caption nito ay masayang island vibes ang ibabahagi nila mula sa mga videos na kinuha nila. Humingi pa ito ng mga marerekomenda na pwedeng gawin sa El Nido.

Ibinahagi rin ni Mikael na nagkayak ang dalawa at nag island hopping sa El Nido. Makikita ang napakagandang isla ng Palawan, kulay asul na malinaw na tubig dagat at magagandang tanawin.

Ibinahagi rin nito na umakyat ang dalawa ng bundok at naghanap ng sea caves sa dagat. Nagfood trip rin ang dalawa at tinikman ang delicacies ng Palawan. Ayon kay Mikael, ay inabot ito ng gutom sa kakapasyal.

At dahil gutom ay marami at mabili itong kumain umano na siyang nagpaantok sa kanya, ngunit si Megan ay may lakas pa, “Boneezy was surprisingly up and about even after all our activities”. Gayumpaman ay naka isang taong kasal na ang dalawa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Tingnan Ang Masayang Date Nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos Sa Napakasayang Lugar

Naalala Niyo Pa Ba Si Luningning o Jana Agoncillo Sa Totoong Buhay, Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon