in ,

OMGOMG CuteCute

Joshua Garcia, Ulirang Anak, Niregaluhan Ang Kanyang Ama Ng Napakalaki At Napakagandang Bahay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang nangangarap na magkaroon ng maganda at sariling bahay. Pinagsisikapan natin ang pagtatrabaho upang makapundar lamang ng pangarap nating bahay. Kaya sobrang masarap sa pakiramdam na makita na unti-unti nating natutupad ang ating mga pangarap.

Ganito na lamang ibinahagi ni Joshua Garcia ang kanyang ipinundar na magandang bahay para sa kanyang pamilya. Si Joshua ay isa sa mga sikat na artista ngayon dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Dahil sa pagsisikap niya sa kanyang trabaho ay nabigyan niya ang kanyang pamilya ng bago at magandang bahay.

Sa larawang ibinahagi ni Joshua sa kanyang Instagram, makikitang napakaganda talaga ng bahay. Ang bahay na ito na kanyang nabili ay may 3 palapag at ito ay matatagpuan sa Quezon City at ito pala ay regalo ni Joshua para sa kanyang ama.

“Ngayon, wala na masyadong ginagawa, kasi last time, nilalagyan ng parang mga bubong, tapos ginagawa pa mga table, mga cabinet, ‘yung mga kulang. Ngayon, wala na masyadong ginagawa. Gift ko ‘yun sa Papa ko,” sabi pa ni Joshua.

Hindi naman naiwasan na tanungin ni Joshua kung ano ang presyo nito at kung paano niya ito nabayaran ng unti-unti. Ngunit hindi na nagdetalye si Joshua ukol rito, dahil ang kanyang nagastos ay bawing bawi naman sa naging 3 endorsement na kanyang naging project kaya nabayaran niya agad ito ng cash. Malaki ang naitulong ng pag-aartista ni Joshua sa kanyang pamilya dahil ito ang nagtupad na kanilang mga pangarap.

Ibinahagi rin ni Joshua ang kanyang susunod na gustong abutin ito ay ang pagkakaroon niya ng sarili niyang bahay at lupa.

“Next na ‘yung dream house ko. Hindi ko pa alam kung saan ko itatayo pero sa ngayon, nasa ipon part ako, and plano ko, this year. ‘Pag naka-ipon na ‘ko, bago mag-end ng year, nakabili na ko ng bagong lupa,” ani pa niya.

Makikita rin sa larawan na nagpahouse blessing siya ng kanilang bagong bahay na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak.

Kaya labis na natutuwa at nagagalak ngayon si Joshua sa kanyang panibagong achievement sa buhay dahil rito napasaya niya ang kanyang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naalala Niyo Pa Ba Si Luningning o Jana Agoncillo Sa Totoong Buhay, Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon

Matapos Ang Release Ng Music Video Ng Paubaya Nina Joshua Garcia At Julia Barretto Hudyat Pala Ng Pag-amin Ni Gerald Anderson Na Totoong May Relasyon Sila Ni Julia Barretto