in ,

Tingnan Ang Masayang Date Nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos Sa Napakasayang Lugar

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Mabigat ang gampanin ng isang magulang na may halong araw-araw na gawain sa bahay at pag-aalaga ng anak. Lalo na nang kasagsagan ng lockdown sa bansa, ay tiyak na lumalabas lamang ang mga magulang upang bumili ng pagkain. Kaya naman ngayong pinayagan na ng gobyerno na mag-open ang mga piling lugar, ay idinate ni Ryan Agoncillo ang asawa nitong si Judy Ann Santos sa isa napakasayang pasyalan.

Bagamat kasal na ay hindi nito ibig sabihin na wala nang oras ang mag-asawa na magdate o bigyan ng oras ang kanilang relasyon. Kaya naman nang malaman ng ibang momshie netizens na idinate ni Ryan Agoncillo ang asawa nito ay samu’t saring papuri at virtual thumbs-up ang natanggap nito.

Nitong Marso ay nagpost ang dalawa sa kanilang unique date experience. Halatang masayang-masaya si Juday sa kanilang date. Ang naturing date, bagamat romantic, ay hindi sa isang candlelight dinner kundi sa isang adventure park. Matatagpuan ang adventure park sa Orani, Bataan. Ito ang KDR adventure park na puno ng maraming team building activities at out door activites tulad ng ATV rides o buggy rides.

Nagpost ang aktres sa kanyang social media account ng video ng date nila. Tila umano bumalik ito sa pagkabata matapos nilang subukan ang mga activites sa adventure park. Caption ng aktress sa kanyang video, “Yesterday was parents day out… and it was sooooooo fun!! That different kind of adrenalin rush and excitement. Para kong bumalik sa pagiging 20’s ko! Thank you my love @ryan_agoncillo for a full day of laughter, adventure and fun! ❤️❤️ Super worth it yung paggising ko ng masakit ang katawan 😆 Gumising akong nakangiti at ngalay ang buong likod ko.”

Kapwa nagpost din si Ryan Agoncillo ng video sa kanyang social media account. Nakakakilig ang caption nito na para sa kanyang mahal na asawa. Aniya, “Makita lang kitang may ngiti sa mata.”

Kahit na taon na ang lumipas ay matibay pa rin ang pagsasama ng dalawa. Biniyayaan naman sila ng tatlong anak at proud na proud sa mga ito lalo na noong Valentines dahil silang tatlo pa mismo ang nagluto ng Valentine’s dinner ng buong pamilya.

Tunay na kahanga-hanga ang matibay na relasyon ng pamilya Agoncillo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Anak Ni Mayor Isko Moreno Mapapanood Na Sa Isang Palabas Ng GMA Sa Isang Kondisyon

Netizens Natuwa Sa Mga Sweet At Nakakakilig Na Mga Litrato Ni Megan Young at Mikael Daez Nang Magbakasyon Sila Sa El Nido, Palawan