in ,

TINGNAN: Ang Isang Amang Karga-Karga Ang Kanyang Anak Habang Naglalako Ito Ng Ballpen Sa Kalye, Bumuhos Ang Tulong At Ginamit Ng Maayos Ang Perang Natanggap Kaya Maraming Negosyong Naipundar

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay ngayon lahat ng pagsasakripisyo ay ginagawa ng isang magulang para sa kanyang anak. Lalo pa ngayong panahon ng pandemiya, ang mga magulang ay nagdodoble kayod para may pangtustos lamang sa pang-araw-araw ng kanilang pamilya.

Kagaya na lamang ng kwento ng isang refugee ito na nagmula pa sa Syria. Ang lalaking ito ay nag-viral ngayon sa social media dahil karga-karga niya ang kanyang anak habang naglalako ito ng tinda niyang ballpen.

Siya ay si Abdul Halim al-Attar, 33 taong gulang siya ay isa sa mga naapektuhan ng kaguluhan ng kanilang bansa kaya nagdesisyon na lamang ito na umalis ng kanilang bansa para sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Walang wala sa buhay ang pamilya ngayon ni Abdul, malayong malayo sa dati nilang buhay na masagana pa.

Kaya upang mabuhay ay nagbebenta na lamang siya ng ballpen sa kalye nag-aalok sa mga dumadaang mga sasakyan habang karga-karga niya ang kanyang anak na babae na natutulog. Samantalang ang kanyang asawa ay naghahanap din ng pagkakakitaan upang sila ay may makain sa araw-araw.

Ang larawan ni Abdul ay ibinahagi ng isang photographer, na naawa sa kanyang naging kalagayan. Makikita sa larawan kung paano tinitiis ni Abdul ang init at pagod habang karga ang kanyang anak upang kumita lamang para sa kanyang pamilya. Kaya sa tulong ng photographer na kumuha ng kanyang larawan, ay nag-organisa ito ng isang online crowdfunding campaign para matulungan si Abdul at ang kanyang pamilya. Ang fundraising na ito ay kumita ng nagkakahalaga ng 191,000 dollars.

Kaya ang kinita ng fundraising na ito ay ibinigay kay Abdul at sa kanyang pamilya. Labis ang naging pasasalamat niya sa lahat ng taong tumulong sa kanya dahil ngayon ay mayroon na siyang naipundar na negosyo. Mula sa pagbebenta sa kalye, nakapagpundar na siya ng isang bakeshop, kebab shop at isang restaurant mula sa perang itinulong sa kanya.

Ginamit ito sa tama ni Abdul upang makatulong rin sa kapuwa Syrian refugees na kagaya niya. Ang mga empleyado ni Abdul ay ang kanyang kapuwa Syrian refugees noon bigyan niya ito ng trabaho upang matulungan niya ang mga ito na makabangon sa buhay.

Nang kumikita na ng malaki ang kanyang mga negosyo ay nagbibigay siya ng tulong sa pinansiyal sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak. Ayon pa sa kanya, “Not only did my life change, but also the lives of my children and the lives of the people in Syria whom I helped,” dahil sa kanyang natanggap na biyaya ito ay kanyang ibinabalik sa kanyang kapuwa bilang tulong din.

Mayroon na silang maayos na tahanan ngayon, dahil nakakatulog na sa maayos na tulugan ang kanyang pamilya malayo na sa kanilang naging buhay sa kalye. Sa pagtitiis at pagsisikap ni Abdul ay nagawa niyang makabangon muli. Nawa’y ang kanyang kwento ay maging inspirasyon sa bawat taong pilit na nagsusumikap sa kanilang mga buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Apo At Sinasabing Isa Sa Tagapagmana Ng Napakaraming Ari-arian Ni Willie Revillame

John Lloyd Cruz, Maaliwalas Ang Mukha Sa Mga Bagong Upload Na Litrato Na May Caption Na “Choose to be happy”