in ,

Silipin Ang Napakacute Na Barbie Set-up Ng 2nd Birthday Ng Anak Ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Malaking biyaya para sa mga magulang ang kanilang mga anak. Kaya naman, marami sa mga magulang ay nagdiriwang ng kaarawan ng kanilang anak nang may buong sipag at pagpaplano. Para sa ikalawang kaarawan ni baby Shiloh, ay Barbie ang tema ng kaarawan nito. Tiyak na kagigiliwan ninyo ang napaka-kyut na anak nila Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Rochelle’s IG

Pink na pink ang Barbie theme ng kaarawan ni baby Shiloh na siyang ibinahagi naman ng Nice Print Photography sa kanilang Instagram account. Napakacreative ng tema pati na rin ng background na ginamit rito. Lalong lumabas ang ganda at cuteness ni baby Shiloh.

Rochelle’s IG

Nagmistulang Barbie doll naman si baby Shiloh sa kanyang pink outfit at malaking ribbon-head band. Marunong na rin ito pumosing sa loob ng Barbie box na inihanda ng photography team.

Para naman umano kay Rochelle ay si Shiloh ang ‘barbie girl’ ng mundo nito. Hindi lamang dahil sa napakacute na bata ni Shiloh kundi dahil isang regalo si Shiloh sa kanilang mag-asawa. Lalo umanong naging masaya ang buhay at nabigyan ng purpose. Hindi rin napigilan ni celebrity mommy Rochelle na magiwan ng mensahe para sa anak.

Rochelle’s IG

Kumbaga isang milestone ang kaarawan ni Shiloh kaya naman ay hindi maiwasan ni Rochelle na maiyak sa message nito. Nagpahayag ito ng ‘Happy Birthday’ at sinabing, “wala akong masasabi, maiiyak lang ako. Dalawang taon ka na, ang bilis!”

Rochelle’s IG

Pagpapatuloy ni Rochelle, “Ibang klaseng saya ang ibinigay mo sa min. Binago mo ang buhay naming ng Daddy mo. Ikaw ang mundo namin.” Hiling ni Rochelle na maging God-fearing ang anak at mabuting taga sunod sa Diyos. “Mahal na mahal ka naming anak!”

Rochelle’s IG

Dagdag naman ng artista, “Kapag marunong ka nang magbasa, alam kong darating ang panahin na mababasa mo din ang mga message naming sayo. Sana ay kiligin ka pa din katulad ng kiliti ko sayo dyan.”

Masayang masaya ang mag-asawa kay Shiloh na isinilang noong February 26, 2019.

Rochelle’s IG

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

John Lloyd Cruz, Maaliwalas Ang Mukha Sa Mga Bagong Upload Na Litrato Na May Caption Na “Choose to be happy”

Anak Ni Mayor Isko Moreno Mapapanood Na Sa Isang Palabas Ng GMA Sa Isang Kondisyon